^

PSN Showbiz

Pops hiwalay na sa mga anak

RATED A - Aster Amoyo -

Alam mo ba, Salve A. na naloka si Manay Lolit (Solis) nang makita niya sa isang okasyon ang dating Unang Ginang at ngayon’y Congresswoman Imelda Romualdez-Marcos at ang First Sister na si Ballsy Aquino-Cruz sa grand opening ng Shinagawa Lasik and Aesthetics sa Makati nung nakaraang Sabado (July 30) ng hapon. 

Mas lalo pang na-shock si Manay Lolit nang makita niya ang Japanese journalist na si G. Kiyoshi Wakamiya na nakasama noon si Sen. Ninoy Aquino nung Agosto 21, 1983 bago ito pinaslang pababa ng tarmac sa Ninoy Aquino International Airport.

Kung na-tense si Manay Lolit sa kanyang nakita, mas lalo umanong tensiyonado si Wakamiya na nakaalalay kay G. Ballsy Cruz, ang panganay na kapatid nina Pangulong Noynoy Aquino at Kris Aquino. Unkown to many, si Wakamiya ay super close sa pamilya Aquino. 

Pero ang ikinatuwa ni Manay Lolit, walang namuong tension sa pagitan nina Congresswoman Marcos at Gng. Ballsy Cruz dahil nag-beso pa ang dalawa. Ang dating Unang Ginang ang lumapit sa First Sister.

Parehong key sponsors ang dalawa kasama sina Sen. Loren Legarda, si Cong. Monique Lagdameo ng Makati 1st District, ang concert queen na si Pops Fernandez, ang 2007 Miss Earth na si Priscilla Meirelles (na malapit nang maging Mrs. John Estrada), ang veteran award-winning actress na si Gina Pareño, ang Chairman-CEO ng IPS, Inc. na si G. Koji Mi­yashita at ang mag-asawang Dr. Hajime at Mi­yuki Watahiki ng Shinagawa Group of Companies – Japan sa pagbubukas sa bansa ng Shinagawa Lasik and Aesthetics.

Sa totoo lang, Salve A., ang dating Pangulong Cory Aquino ang nakikita namin kay Ballsy. 

* * *

Kinumpirma sa amin ni Pops na lumipat na siya sa McKinley Hill sa Bonifacio Global City at ibinenta na niya ang dating bahay nila ng ex-husband na si Martin Nievera sa Ayala Alabang. Nakabukod na rin kay Pops ang kanilang dalawang binatang anak na sina Robin at Ram pero malapit lang din ito sa kanya sa BGC. Actually, five minutes by car lamang ang kanilang pagitan kaya madalas pa ring magkakasama ang mag-iina.

Ayon kay Pops, sobrang malaki ang dati nilang bahay at napakalayo na nito sa kanilang mag-iina kaya nag-decide silang mag-move sa Bonifacio Global City.

Isang cute four-bedroom house ang bagong bahay ni Pops habang magkasama naman sa isang condo sa BGC ang magkapatid na Robin at Ram na pag-aari mismo ng kanilang amang si Martin Nievera na nanatili pa ring nakatira sa sariling bahay nito sa Ayala Alabang kasama ang kanyang ina.

Nung Lunes (Aug. 2) ng gabi ay nakita naming nag-dinner sa Toki Japanese Restaurant ang mag-inang Pops at Robin at kapansin-pansin ang mala­king ipinayat ni Robin. “I lost 35 lbs.,” pagmamalaki ng binata.

* * *

Nagkagulo naman ang lahat ng customers na naglo-lunch sa loob ng Toki nung nakaraang Martes (Aug. 3) ng tanghali nang dumating ang People’s Champ at Sarangani representative na si Manny Pacquiao kasama ang isa pang boxing champ na si Nonito Donaire at Ilocos Sur governor Chavit Singson kasama si G. Kiyoshi Makamiya kasama ang Filipino wife nitong si Lulu Makamiya. Mapa-foreigner o Filipino customers ay lumapit sa table nina Pacman para magpa-picture sa kanilang idolo. Sa Tatami Room ng restoran ay naroon naman si Atty. Lisa Marcos, misis ni Sen. Bongbong Marcos kasama ang ilang kaibigan. 

Ang nakakatuwa Salve A. kay Pacman, napaka-accommodating niya kahit busy ito sa pagkain. Pinagbigyan niya lahat ng gustong mag­pakuha ng picture kasama siya.

Samantala, hindi namin nakitaan si Gov. Singson ng pagkabahala sa pagkakakulong sa Hong Kong ng kanyang anak na si Rep. Ronald Singson na may kinalaman sa droga.

* * *

Matagal nang kinukuwestiyon ang gender ng ex-PBB housemate na si Uma Khouny at nakumpirma lamang ito nang ito’y mag-guest sa Paparazzi, showbiz talk-show ng TV5 nung nakaraang Linggo kung saan inamin na nito ang tunay niyang kasarian. Puwede siya sa babae at puwede rin siya sa lalake.

Very straightforward kung magsalita si Uma, to a point na hindi na nakakatuwa.

Hindi rin pinangalanan ni Uma si Sam Milby na siyang ama umano ng batang isinilang ng kanyang kapatid na babae.

vuukle comment

AYALA ALABANG

BALLSY CRUZ

BONIFACIO GLOBAL CITY

FIRST SISTER

MANAY LOLIT

MARTIN NIEVERA

SALVE A

SHINAGAWA LASIK AND AESTHETICS

UNANG GINANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with