^

PSN Showbiz

Regine namigay ng LV bag

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hiningan si Ogie Alcasid ng update sa pa­mimirata ng composition niyang Pangako na gina­mit sa Korean novela na Glass Slipper at naging For Your Love ang title. Alam na nito kung sino ang nasa likod nang pamimirata at tila moral da­mages ang hinihingi.

 “I felt flattered but felt more bad dahil parang ninakaw o kinidnap ang anak mo sa ginawa nila. It’s sad, but something is being done about it,” wika nito sa launching ng bago niyang album na Ngayon at Kailanman.

* * *

Sina Jennica Garcia at Carl Guevarra ang su­nod na guests sa Pilyang Kerubin. May pros­thetic ang ilong ni Jennica na parang sa baboy, pero hindi siya nahirapan at ang nagpahirap ay ang costume ng belly dancer dahil exposed ang ilang parte ng katawan.

Bini-build-up ang tambalan nina Jennica at Carl dahil magka-loveteam din sila sa Jejemom at nag­kasama sa Dear Friend. Tinanong namin ang da­la­­ga kundi ba nagseselos ang BF niyang si Al­wyn Uytingco na lagi siyang pinapareha kay Carl?

 “Hindi” ang sagot ni Jennica at ipina-erase ang word na BF dahil ayaw niyang gamitin ang word na ‘yun. Nang tanungin namin ang kanyang status, hindi rin masabing she’s in a relationship, basta inspired daw siya ngayon at kita ito sa kislap ng mga mata, ganda ng ngiti at sobrang kilig ‘pag na­ba­­banggit ang name ni Alywn. Kaya hindi namin maintindihan kung bakit hindi pa niya maaming boyfriend ang actor. Ano ba ang problema?       

* * *

 Gamit ni Glaiza de Castro sa thanksgiving press­con ng Diva ang Louis Vuitton bag na regalo ni Regine Velasquez sa mga kasama sa kanta­serye at isa siya roon. First LV bag ‘yun ni Glaiza kaya sobrang tuwa at ‘di maka­paniwalang si Songbird ang magbibigay sa kanya.

Tsika ni Glaiza, ibinigay ni Regine ang mga re­galo sa buong cast at staff sa dinner na ibinigay sa kanyang bahay. Ayaw pa raw sana niyang pumunta sa dinner dahil pagod siya at laking gulat nang iaabot sa kanya ang bag.

 “Emotional ako, I never thought someone would gave me an expensive bag. Great ex­pe­rien­ce rin ang makasama si Miss Regine dahil na­pa­kabait na tao. Hindi ako makasabay sa biritan at siya ang nag-i-encourage sa akin, nagtuturo at nag­papalakas ng loob ko. Saka, tutulungan daw niya akong magka-album,” masayang sabi ni Glaiza.

Thankful din si Glaiza dahil sa Diva, na-realize niyang passion niya ang pagkanta at na-discover na gusto niya ang soul at alternative music. Ayaw mag-spoiler ni Glaiza sa magiging ending ng ka­rak­ter niyang si Tiffany, panoorin na lang daw ang last week ng kantaserye.

* * *

Guest sa Party Pilipinas si Cesar Montano at makiki-jamming. Bago siya nag-artista, kumakanta siya sa acoustic bar at mahusay maggitara.

Tanong lang, nabasa kaya ni Cesar ang inter­view kay Norma Japitana sa isang broadsheet last Friday? Sinabi ni Norma na ayaw na niyang makialam kay Cesar at sa career nito at sinabi rin ang rason nang panlalamig daw sa kanya ng actor.

Guest din ang RnB artist na si Jason Derulo na for sure, gaya namin ay hindi kilala ng maraming Pinoy at mamaya palang natin mapapanood mag-perform.

vuukle comment

AYAW

CARL GUEVARRA

CESAR MONTANO

DAHIL

DEAR FRIEND

GLAIZA

JENNICA

NIYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with