^

PSN Showbiz

Jillian jackpot sa Trudis Liit

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Nagsimula na kahapon ang Trudis Liit na bida ang cute, lovable at most vibrant little girl na may malaking puso sa afternoon drama block Sine Novela bilang bahagi ng 60th anniversary offering ng GMA 7. Ang Trudis Liit ang 20th ins­tallment ng Sine No­vela.

Ipinakilala rito ang newest child sensation that will make the classic film-turned-TV series the newest afternoon craze - si Jillian Ward bilang Gertrudes Capili o Trudis Liit.

Kasama rito ni JilLian ang mga betera­nong artista na sina Maxene Maga­lona, Pauleen, Ian Veneracion, Mike Tan and Gina Alajar together with Cris Villanueva, Jao Mapa, Maricel Morales, Dex­ter Doria, Archie Adamos, Marc Acueza, Fran­cheska Salcedo, and Jamaica Olivera.

Ang Trudis ay created ni Mars Ravelo, na isa sa pinaka-popular child wonders sa history of Philippine cinema and comics simula pa noong 1963. Ang na­sabing role ang kauna-unahang pelikula ni Star For All Seasons turned Governor Vilma Santos na nagbigay sa kanya ng first-ever FAMAS award.

Si Don Michael Perez ang nagdirek ng bagong version ng Trudis.

Suwerte ang batang si Jillian dahil bida agad siya rito.

***

 Ang mundo ng Paladino na kinagiliwan ng lahat ay magtatapos na ngayong linggo. Magpapaalam na sa ere ang GMA 7 telefantasya na The Last Prince.

Maraming pagsubok ang dinaanan nina Prince Almiro (Aljur Abrenica) at Lara (Kris Bernal) dahil sa pahirap ng dalawang mundong kanilang pinanggalingan. Isa na rito si Bawana (Bianca King).

Nagsimula ang lahat dahil sa sumpa ni Bawana kaya napadpad ang noo’y pangit na prinsipeng si Almiro at makilala ang mabait na dalagang si Lara.

Maraming natutunan ang dalawa, kababaang-loob para kay Almiro at pagpa­pasensya para kay Lara, kaya lalong nagkalapit ang kanilang mga damdamin.

Pero kailangan din si Almiro sa kanyang kaharian at dapat ding mailigtas niya si Lara na huwag madamay sa galit ni Bawana.

Lumayo ang prinsipe kay Lara at nagpakasal kay Bawana. Si Lara naman ay nagpakasal na rin kay Jerrick (Carl Guevarra), ang laging nasa tabi niya tuwing malalayo at magkakaproblema kay Almiro.

Sa bandang huli, nakatakda ba talaga ang prinsipe ng Paladino at ang mortal na dalaga na magsama habambuhay? Malalaman ba nila na ang anak na si Ayesha (Margaret Lipnitz) ay kanila at hindi kay Bawana? Paano naman ang kapwa mortal na si Jerric na nagmamahal kay Lara?

Mas paiinitin pa ang mga huling tagpo sa The Last Prince, gabi-gabi, sa GMA Telebabad.

Kasama rin sina Eula Valdez, Carmina Villaroel, Angelu de Leon, Chanda Romero, Emilio Garcia, Jay Ma­nalo, Ben­jie Paras, Chynna Ortaleza, at marami pang iba.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALMIRO

ANG TRUDIS

ANG TRUDIS LIIT

BAWANA

KAY

LARA

LAST PRINCE

SHY

TRUDIS LIIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with