^

PSN Showbiz

Derek sumumpa kay Angelica never papatol kay Gretchen

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pini-predict ng isang showbiz insider na kahit tatlong taon na hindi masyadong pasukin ng ad­vertisement ang TV5, kaya nitong mag-survive.

Kasi pala, mga P7 billion pa lang daw ang naga­gastos ng TV5 hanggang sa kasalukuyan kasama na ang ibiniling P5 billion plus expenses sa operations ng ilang buwan. Nag-offer daw kasi ang kum­pan­ya noon ni Mr. Manny Pangilinan ng P58 billion (yup, billion) sa GMA 7 na hindi nga nagkaayos kaya TV5 ang nabili ni Mr. P.

Kaya marami pa ang nakareserbang datung ang pag-aaring network ni Mr. P., ayon sa kausap naming expert pagdating sa mga nangyayari sa business side ng mga local TV networks.

Hindi pa gaanong pinapasok ng advertise­ment ang TV5. Affordable ang card rate ng ads nila na nakikitang advantage ng kausap namin para maka-attract ito ng mga advertisers. Almost 70% cheaper daw ito kumpara sa rate ng GMA 7 and ABS-CBN.

Pero malaki pa ang gagastusin ng bagong network lalo na kung magpapatayo sila ng sariling building.

* * *

Oo nga. Ibang-iba na ang hitsura ng mukha ni Gretchen Barretto ngayon kesa noon, two years ago. Bigla ko lang naalala nang makita ko ang isang magazine na may Pantene ad nila nina Ruffa Gutierrez, Claudine Barretto, and Judy Ann Santos.

Diyosa pa ang hitsura niya sa nasabing print ad. Parang labi niya lang dun ang naiba pero bagay naman sa ganda ng mukha niya.

Pero sa mga latest photos at interviews ni Greta, iba na. Ob­vious na may mga nagbago sa kanyang magandang mukha.

Siguro sa rami ng datung niya, kung anu-ano na lang ang naiisip ni Ms. Gretchen na bida sa Magkaribal.

Sayang, diyosang-diyosa ang hitsura niya noon.

Anyway, tagumpay pala for Greta na makasama si Derek Ramsay sa isang show sa ABS-CBN. Nawalan lang daw ng choice si Derek. Hindi na nakaiwas.

Matagal na palang inaapela ni Gretchen sa manager ni Derek na makasama ang boyfriend ni Angelica Panganiban sa kahit anong project. Pero si Derek talaga ang ayaw dahil takot nga ito sa kontrobersiya. Pero nang i-offer ng Dos ang Magkaribal, ayun nagtagumpay si Gretchen, walang nagawa si Derek.

Pero sumusumpa raw si Derek kay Angelica na trabaho lang ang sa kanila ni Gretchen.

Suwerte naman ni Angelica. Guwapo, yummy ang katawan, galante, at ngayon faithful pa pala si Derek.

Long hair. ’Kainis.

Kaya ba iritable si Angelica kay Gretchen?

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CLAUDINE BARRETTO

DEREK

DEREK RAMSAY

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

JUDY ANN SANTOS

KAYA

MR. P

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with