^

PSN Showbiz

Vice Ganda mahigit isang milyon ang fans sa FB

-

MANILA, Phillipines - Simula nang pakawalan ni Vice Ganda ang mga nakakatawa niyang one-liner dialogues sa Showtime, walang dudang nabuhay muli ang kanyang career.

Dahil hit na hit, tanging si Vice lang ang nagkaroon ng record sa Facebook na kauna-unahang local entertainer na umabot sa 1,000,000 ang mga fans at kaibigan.

Patok din ang major concert niya sa Araneta Coliseum kamakailan.

Pero kaya ng sikat na komedyante na magbigay-saya pa sa mga kaibigan sa industriya kaya sa two-night concert ni Gabby Concepcion sa Music Museum, special guest si Vice.

Ang Gabby’ng K Ganda concert na gaganapin sa July 2 and 3, 8 p.m. ay mag­tatampok din sa marami pang sorpresa. Hinuhulaang magpapaunlak ang mga dalagang anak ni Gabby.

Heto pa, makikipagsabayan sa galing sa pagkanta at pagpapatawa si K Brosas kay Vice kaya inaasahang mas riot ang concert. 

Ang Gabby’ng K Ganda ay produced ng Front Media Entertainment at mabibili na ang mga tiket sa TicketWorld (891-9999) outlets, National Bookstores, Robinsons Department Stores, and Malls, Ayala Malls, at sa Music Museum (721-0635, 425-7077). 

vuukle comment

ANG GABBY

ARANETA COLISEUM

AYALA MALLS

FRONT MEDIA ENTERTAINMENT

GABBY CONCEPCION

K BROSAS

K GANDA

MUSIC MUSEUM

NATIONAL BOOKSTORES

ROBINSONS DEPARTMENT STORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with