^

PSN Showbiz

Ezra pasok sa grand finals ng PGT

-

MANILA, Philippines - Naging usap-usapin sa Twitter ang grupong Ezra Band noong nakaraang Sabado kaya naman hindi na nakakagulat na sila ang nanguna sa text at online votes noong Linggo at pumasok sa grand finals ng pinakamalaking talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent.

Kasabay ng pagpasok ng Ezra Band ang pagpasok din ng pinakaunang babaeng finalist sa kumpetisyon sa katauhan ng kanilang bokalistang si Kaye.

Talaga namang dumagundong sa hiyawan ang AFP Theater noong Sabado ng gabi sa pag-awit ng grupo ng Right Here Waiting For You.

Manghang-mangha rin ang audience sa nakaka­bilib na pagtugtog ng piano ng miyembrong si Nor kahit na siya ay may kapansanan.

Samantala, muli na namang nahirapan ang mga hurado sa pagpili kung sino sa operatic singer na si Geraldine “Fame” Flores (25.05%) at balladeer na si Sherwin (17.99%) ang mag-uuwi ng isa pang finalist slot.

Sa bandang huli ay nanaig si Sherwin matapos ibigay ni Kris Aquino, na siyang nagbigay ng deciding vote sa unang pagkakataon, ang kanyang boto sa binata.

Ayon kay Kris, mahalaga sa isang mang-aawit na maipaunawa at maipadama ang kanyang awitin sa mga manonood. “During the gap, naririnig ko sina Billie at Luis na kinakanta pa rin ang kanta ni Sherwin so it means may recall talaga yung performance niya,” aniya.

Sasamahan ng dalawang bagong grand finalists ang internet singing sensation na si Jovit Baldivino, ventriloquist na si Ruther Urquia, magician na si Allan “Alakim” De Paz, crooner na si Markki Stroem, gitaristang si Keith Delleva at breakdancers na Velasco Brothers.

Ngayong linggo, maghaharap-harap naman ang ika-limang batch ng semi-finalists na binubuo ng Experience Kidz, Jayzan Tero, Harold Gesulga, Powerpuff Corn, Luntayao Family, at Jelline Oliva.

Huwag palalampasin ang 5th live semi-finals ng Pilipinas Got Talent ngayong Sabado (May 29), 7:15 PM, live sa Tanghalang Pasigueño (sa likod ng Pasig City Hall) at sa Linggo (May 30), 8:15 PM, live sa Dolphy Theater sa ABS-CBN. Manood din ng Studio 23 tuwing Sabado at Linggo para sa replay ng naturang episodes sa ganap na 6:00-7:00 PM. 

vuukle comment

DE PAZ

DOLPHY THEATER

EXPERIENCE KIDZ

EZRA BAND

HAROLD GESULGA

JAYZAN TERO

LINGGO

PILIPINAS GOT TALENT

SABADO

SHERWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with