^

PSN Showbiz

Young actress tini-tweet pati pakikipag-tsugihan sa maimpluwensiyang BF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Halatang very much in-love ang young actress na ito sa kanyang non-showbiz, but influential boyfriend sa mga pino-post nito sa kanyang Twitter account na kadalasan ay very personal messages.

Naintriga ang mga nakabasa sa post ng young actress na “thank you baby for preparing breakfast. We may had a rough night last night, but the hell…good morning my love.” Nainggit ang mga kaibi­gan ng young actress na nakabasa sa post niyang ito dahil imagine, paggising ng young actress, kakain na lang siya ng breakfast na inihanda ng BF and to think, hindi basta-bastang tao ang nobyo niya. As in, mayaman ito at maraming maids sa bahay, pero para sa actress, kaya niyang maging kusinero.

Ano ‘yun, maagang pumunta sa bahay ng actress ang BF para magluto o…’di bale na lang, sa amin na lang muna ang naglalaro sa isip namin. 

* * *

Tuloy pa rin pala sa Endless Love : Autumn In My Heart si Marco Alcaraz contrary sa nabalitang hinarang ng former manager niya ang partisipasyon niya sa soap ng GMA 7. Sabi ng bagong manager ni Marco, kinumpirma nina Rams David, Program Manager ng soap at ni Annette Gozon-Abrogar na kasama pa rin si Marco.

Wala raw personal issue that could get in the way of work, and Marco’s network contract. Noong January pa ang last show sa Channel 7 ni Marco dahil sa conflict nila ng former manager.

Anyway, ipinalabas na kahapon sa Showbiz Central ang first sa three-part teaser ng Endless Love ay ipinakita ang youngstars na gaganap sa role ng mga batang Jenny (Marian Rivera) at Johnny (Ding­dong Dantes). Kathryn Chandria Bernardo si young Jenny at si Kristofer Martin Dangculos si young Johnny na tsika sa amin, parehong dating Star Magic talents.

* * *

Ayan, hindi na makakapag-deny si Jennylyn Mer­cado sa relasyon nila ni Dennis Trillo dahil on the air na nag-“I love you” si Dennis kay Jennylyn na isinabay sa birthday ng aktres at kundi kami nagka­kamali ay first time ginawa ng aktor na magpahayag ng pag-ibig on air.

Flattered si Jennylyn sa pag-a-“I love you” ni Dennis, pero mas nagulat siya dahil ‘di ini-expect na i-a-announce nito ang pagmamahal sa kanya on the air. 

Samantala sa Gumapang Ka Sa Lusak, hindi magawang iwan ni Rachel (Jennylyn) si RJ (Rocco Nacino) dahil marami siyang utang na loob dito. Sasampahan naman ng kaso ni Levi (Dennis) si Edmundo (Al Tantay) at huhulihin din ng mga pulis si Edmundo.

vuukle comment

AL TANTAY

ANNETTE GOZON-ABROGAR

AUTUMN IN MY HEART

DENNIS TRILLO

EDMUNDO

ENDLESS LOVE

GUMAPANG KA SA LUSAK

JENNYLYN

JENNYLYN MER

KATHRYN CHANDRIA BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with