^

PSN Showbiz

Carmen huling ka-holding hands ni direk Lino

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Inis na inis sa isang beteranang aktres ang staff ng isang beauty salon. Ang rason : kahit daw nagpapaayos ito, walang tigil ang kakayosi as in, parang pugon ang bibig sa kabubuga ng usok.

Wala naman daw choice ang mga staff pero ang inaalala nila ay ang ibang clients na nakakasabay nito. Nagrereklamo raw ang mga ito lalo na kung may kasamang mga bata sa loob ng salon.

Hmmm, medyo may edad na ang aktres na kung tutuusin, hindi na advisable sa kanya ang mag-yosi pero ang lola hataw daw talaga sa paghithit ng sigarilyo.

Naku lola sayang naman ang panahon na idudugtong sa kalusugan mo kung hindi ka maninigarilyo.

* * *

Nakakaaliw talaga ang pulitika. Paikot-ikot na lang ang kuwento. Ngayon naman issue ang isang kamag-anak ni James Yap na hindi suportado si Sen. Noynoy Aquino (brother in law ni James) ang pinag-uusapan. Instead, si Gilbert Teodoro daw ang sinusuportahan ng mayor na uncle ng basketbolista sa pagka-pangulo sa Negros Occidental. 

Ikagalit kaya ito ni Kris Aquino o isa na naman itong issue na pag-aawayan nilang mag-asawa?

Speaking of Kris, nagta-taping na raw uli for Kung Tayo’y Magkakalayo pagkatapos nitong mag-walk out three days ago.

* * *

Mukhang in love pa nga si Anne Curtis kay Sam Milby.

Sa Showtime kahapon, obvious na obvious na kinikilig ang actress/TV host nang mag-guest ang leading man niya sa Babe I Love You.

First time mag-guest ni Sam sa nasabing programa nina Anne at Vhong Navarro kaya kahit ang mga co-host niya ay kinikilig-kilig sa kanila.

Actually, parang nanawala pa nga sa sarili si Anne ha.

* * *

May nag-tweet : Nakita raw nilang ka-holding hands ni Carmen Soo ang ex nina Bianca Gonzales and KC Concepcion, si Direk Lino Cayetano. Tingin daw nila, may relasyon na ang dalawa.

Kung sila na nga, ibig sabihin hindi nagtagal sina Carmen at si Gab Valenciano? Nagkaroon ng issue noon na kaya naghiwalay sina Rachelle Ann Go and Gab ay dahil nakita rin si Carmen na ka-holding hands ni Gab. Pero hindi na lumaki ang issue. At ngayon ang bago nga, sina Carmen at Direk Lino.

* * *

Pinupuri ng mga de-kalibreng kontrabida ng ABS-CBN na sina Pilar Pilapil ng Agua Bendita, Mylene Dizon ng Tanging Yaman, Gladys Reyes ng Habang May Buhay at Jaclyn Jose ng Kung Tayo’y Magka­kalayo si Angelica Panganiban ng karakter ni Rubi.

“Kaunting artista lamang ang nabibigyan ng roles katulad ng papel ni Angelica sa Rubi and she really got what it takes,” pahayag ni Pilar Pilapil. Samantala, ang mga nabanggit pang mga beteranang aktres ay hanga sa natural na akting ng bidang kontrabida na si Angelica. “She’s a natural,” sabi naman ni Gladys.

“Flattered ako ng bongga,” saad ni Angelica. “Iba kasi kapag mga beteranong mga aktres na ang pumupuri sa isang aktres na katulad ko. First time ko lang rin kasi talaga mabigyan ng primetime project na bida na ko, kontrabida pa,” natutuwang dagdag ng dyowa ni Derek Ramsay.

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CURTIS

BABE I LOVE YOU

BIANCA GONZALES

CARMEN SOO

KUNG TAYO

PILAR PILAPIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with