^

PSN Showbiz

Aiza at Juris magpapatalbugan sa acoustic

-

MANILA, Philippines - Tatlong naglalakihang mga pangalan sa larangan ng acoustic scene — Aiza Seguerra, Juris Fer­nan­dez, at Princess — ang magsa­sa­nib-puwer­sa sa con­­cert na pinamagatang Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris na gaganapin sa April 16, 8 p.m., Skydome sa SM North EDSA.

Pawang mga platinum artists din ang tatlong singers batay sa lakas ng benta ng kanilang solo album. Si Aiza ay nakilala sa kanyang big hit na Pag­dating ng Panahon, samantalang si Juris naman ay sumikat sa grupong MYMP na ngayon ay nagso-solo na, at si Princess naman ay naki­lala dahil sa naging bestseller ang kanyang Addicted to Acoustic na may laman na acoustic version ng Single Ladies ni Beyoncé.

Mula sa Viva Concerts and Events, sigu­radong isang malaking tagumpay ang Acoustic Session with Aiza, Princess and Juris dahil sa napakaraming tagahanga ng tatlong sikat na acoustic singers.

Mabibili ang mga tiket sa lahat ng SM Ticketnet outlets (911-5555) na nagkaka­halaga ng P1,500 (Gold) at P1,000 (Silver). Para sa dagdag-kaalaman, tumawag sa 687-7236 and 633-3808.

vuukle comment

ACOUSTIC

ACOUSTIC SESSION

ACOUSTIC SESSIONS

AIZA

AIZA SEGUERRA

JURIS FER

PRINCESS AND JURIS

SHY

SI AIZA

SINGLE LADIES

VIVA CONCERTS AND EVENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with