^

PSN Showbiz

Sarah bukas na bukas na ang isip

-

MANILA, Philippines - Kung ang 2009 ay busy year ni Sarah Geronimo, lalo naman ang 2010 na punumpuno ng mga plano para sa Pop Princess. Ang top talent ng Viva Entertainment ay mas in demand pa ngayong taon.

Very visible lagi ang fresh face ni Sarah sa mga billboards sa kahabaan ng EDSA at iba pang mga lugar sa Metro Manila dahil sa rami ng kanyang ine-endorso (Bench, Belo, Charmee, Sunsilk, atbp.). Walang tigil din ang kanyang TV commercials.

Sa ngayon, abala sa shooting ng Hating Kapatid ang singer-actress na sa unang pagkakataon ay makakasama si Judy Ann Santos. Isang teleserye rin ang pinaplantsa na sa kasalukuyan.

 “Sabi ni Boss Vic (del Rosario) I should focus on one project at a time this year,” say ni Sarah. 

Pero may ilan pang bagay na pagtutuunan ng pansin si Sarah.

Ang una ay ang research at assignment sa kanyang associate in arts studies sa UP Open University. At ang ikalawa, gusto niyang matutong mag-drive.

Nai-excite na ng todo si Sarah na makasama sa pelikula ang magaling na aktres na si Juday sa kapatid na role.

“Ito ang unang heavy drama role ko and it’s a big challenge talaga,” sabi ng Pop Princess.

Bukas na bukas ang isip ni Sarah para sa mga darating pang mga challenges and new experiences ngayong 2010. 

vuukle comment

BELO

BUKAS

CHARMEE

HATING KAPATID

JUDY ANN SANTOS

METRO MANILA

OPEN UNIVERSITY

POP PRINCESS

SARAH GERONIMO

VIVA ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with