^

PSN Showbiz

Sikat na sexy star, pasaway din

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Naimbitahan ang isang sikat na sexy star para maging bahagi ng isang mahalagang event last December kung saan sasakay ito sa float ng mga miyembro ng executive committee ng film festival.

Pumayag ang manager nito na ala-una pa lang ay naroon na siya sa MOA at napagkasunduan na rin nila ang ibabayad sa alaga. Alas-dos na ng hapon ay nangangarag na ang nag-imbita sa sexy star dahil magsisimula na ang parada pero wala pa ito. Siya na lang ang hinihintay pero hindi masagot ng manager kung nasaan na ang alaga.

Ang ending, late na ito nang dumating at di alam ng organizer kung nasaan siya. Yun pala, buong ningning na nakasakay sa kanyang sasakyan. Kailangan pa itong tawagin para makasama ng mga execom members sa kanilang sasakyan.

Pasaway din pala ang seksing aktres na ito na hindi pinaiiral ang propesyonalismo. Kaya siguro nawawala rin ang ningning ng pagkabituin ngayon.

* * *

Nakakuwentuhan namin si Steff Prescott sa presscon ng The Last Prince kung saan ginagampanan nito ang karakter ni Naveja, ang tunay na mahal ng prinsipe ng Paladino.

Ayon sa young actress, ito bale ang biggest break niya dahil bukod sa malaki itong proyekto ay nakasama pa niya ang malalaking bituin sa pangunguna nina Carmina Villaroel, Eula Valdez, Princess Punzalan at Emilio Garcia.

Pangarap nitong magbida sa pelikula gaya ng idolong si Iza Calzado. Pero payag ding maging kontrabida dahil challenging ang role. Three years na siya sa showbiz at kapanabayan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa Starstruck although nag-land lang sa Final 8.

Kahit abala sa pag-aartista, gusto pa rin nitong makatapos ng Culinary Arts dahil balak magtayo ng negosyo.

* * *

Feeling ni Erich Gonzales ay sobrang biyaya ang natatanggap nito kaya nagpapasalamat siya kay Lord. Sunud-sunod ang mga proyekto nito kung saan hindi pa man tapos ang Katorse ay nakalinya na ang Tanging Yaman.

‘‘Ayaw ko pong sayangin ang magagandang pagkakataon na dumarating sa aking buhay kaya pinagbubuti kong lalo ang pag-arte. Bilang si Fina, ibang personalidad naman ang ilalarawan ko bilang First Daughter,’’ anang Erich.

Makakasama rin niya si Melissa Ricks kung saan first time niya itong makakatrabaho na magkasalungat ang kapalaran sa Tanging Yaman. Excited na ang dalawa at handa na sa kanilang confrontation scenes.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

CARMINA VILLAROEL

CULINARY ARTS

EMILIO GARCIA

ERICH GONZALES

EULA VALDEZ

FIRST DAUGHTER

IZA CALZADO

KRIS BERNAL

TANGING YAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with