^

PSN Showbiz

Jolina Magdangal nire-repackage na!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Kung dati-rati ay sa Divisoria, Quiapo, Central Market, 168, Tutuban tayo pumupunta para maka-avail ng malalaking discount, ngayon napakaraming Christmas bazaar ang nagbebenta rin ng napa­karaming items, from clothing to food, sa napakamura ring halaga.

Kung masuwerte-suwerte ka pa, baka ang mapuntahan mo ay stall ng mga celebrity at sa kanila ka pa mismo bibili. Nakamura ka na, nakakita ka pa ng artista.

Tulad ng Noel Discovery Bazaar, ang Christmas Shopping Expo na nagsimula kahapon at mananatili hanggang Nobyembre 30. Matatagpuan ito sa World Trade Center sa Pasay City.

Bukod sa napakababang diskuwento, nagkaroon pa ng programa na nagtampok sa mga sikat na Kapuso stars.

May celebrity booths din sina Jolina Magdangal, BJ Forbes at Ella Guevara at magdaraos ng cooking demo ang QTV 11. Pero ang pinaka-malaking atraksiyon sa nasabing bazaar ay ang GMA Artist Closet Pavilion na kung saan matatagpuan ang mga personal wardrobe ng maraming artista ng GMA 7.

* * *

Alam n’yo ba na yung orihinal na Korean superstar na si Rain na gumanap na bidang lalaki sa orihinal na Full House Koreanovela na ni-revive ng GMA at magsisimulang mapanood sa katapusan ng Nobyembre ay isa nang Hollywood star? Mapapanood siya sa pelikula ng Warner Bros. na Ninja Assassin..

Para sa kanyang role, nagsanay ng anim na buwan si Rain, limang oras sa martial arts at isang oras sa total body fitness araw -araw. Baka akalain ng manonood na pinalaki lamang ang kanyang katawan ng computer, pero talagang sinadya niyang magpalaki ng katawan para sa nasabing pelikula.

* * *

Dalawang malalaking programa na ang nawawala kay Jolina Magdangal. Una ay napalitan siya ni Carla Abellana sa StarStruck, ikalawa pansamantala siyang tinanggal sa SOP, pero ibabalik daw sa 2010 kapag kumpleto na ang repackaging niya. Wonder kung ano pa ang dapat palitan kay Jolina, kakatuwa nga siya dahil sa kabila ng kanyang edad pumapasa pa rin siyang bagets.

vuukle comment

ARTIST CLOSET PAVILION

CARLA ABELLANA

CENTRAL MARKET

CHRISTMAS SHOPPING EXPO

ELLA GUEVARA

FULL HOUSE

JOLINA MAGDANGAL

NINJA ASSASSIN

NOBYEMBRE

NOEL DISCOVERY BAZAAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with