^

PSN Showbiz

Umaasa pa rin sa That's

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi ba worried si Krista Ranillo at maging ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang amang si Archie Ranillo sa pagkakasangkot niya sa sigalot ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao?

Siguro dapat nang linisin ni Krista ang kanyang pa­­nga­lan at huwag pumayag na kung kani-kanino na lang siya nali-link, kahit pa sabihing isang malaking tao si Manny Pacquiao. Unang-una na ay may asawa ito at magkasama lamang sila sa isang pelikula. Not unless may katotohanan ang isyu at nadadala na rin si Krista ng kasikatan ng kanyang kapartner.

Aba hija, mag-isip-isip ka. Ayaw mo naman sigu­rong maging kontrabida sa tunay na buhay.

* * *

I just hope na napasaya ko kahit bahagya ang Pas­ko ng maraming entertainment press na dumalo sa aking thanksgiving party na ginanap sa Teatrino nung Nob. 16.

Nagpasya akong gawin ito sa isang teatro dahil may inihanda akong isang maikling musical program ha­bang kumakain ang lahat. Nag-perform ng libre sina Pilita Corrales, Mabuhay Singers, Martha Joy, Jake Vargas, Hero Angeles, Mico Aytona, at ma­rami pang iba.

Ang pasasalamat ay dahil sa dalawang ulit kong pagka­kapanalo bilang best supporting actor sa Star Awards at FAMAS para sa pelikulang Paupahan.

Nasa krisis pa rin naman ang bansa pero, nagawa kong makapanghingi ng ilang pa-raffle tulad ng 40-in. TV, cellphones, isa pang TV set, washing machine, refri­gerator, blender, rice cooker, cash money at ilan pang appliances.

Salamat sa lahat nang nag-donate ng prizes, mga dumalo para tumulong sa aking mag-host ng party.

Salamat sa inyong lahat at maligayang Pasko.

* * *

Sana nga matupad na ang pangarap kong ma-re­vive ang That’s Entertainment. May mga lumalapit na sa akin at nagpapakita ng interes na iprodyus ang panghapong programa ko na naka-diskubre ng napa­ka­raming artista na pinakikinabangan ngayon sa ating local entertainment scene. To name a few—Piolo Pas­cual, Judy Ann Santos, Lea Salonga, Billy Crawford, Lea Salonga, Rufa Mae Quinto, Isko Moreno, Jestoni Alarcon, Jean Garcia, Sheryl Cruz, Manilyn Reynes, Anna Roces, Vina Morales, at marami pang iba.

vuukle comment

ANNA ROCES

ARCHIE RANILLO

BILLY CRAWFORD

HERO ANGELES

ISKO MORENO

JAKE VARGAS

JEAN GARCIA

JESTONI ALARCON

LEA SALONGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with