^

PSN Showbiz

Jolina inilantad na ang bagong BF

RATED A - Aster Amoyo -

Kilig-kiligan si Jolina Magdangal at obvious na mahal niya talaga ang boyfriend na si Mark Escueta, drummer ng Rivermaya. First time na napanood silang magkasama sa SOP kahapon, sa pagsi-celebrate ni Jolens ng kanyang birthday sa show. Tumugtog ng gitara si Chris Kayzer at sa drums naman si Mark. 

Drama-dramahan naman si Marvin Agustin nang kinantahan ni Mark si Jolina ng theme song nilang Moonriver. 

Happy ang mga co-hosts ni Jolina na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, at Janno Gibbs dahil first time nag-open ng kanyang true feelings si Jolina at nagsabihan pa sila ng “I love you” ni Mark.

* * *

Very touching ang GMA Christmas Station I.D., ang Sama-Sama Tayong Magpasalove, na unang napanood sa Eat Bulaga last Saturday. 

Maganda na hindi sila gumamit ng mga artista nila sa GMA Network, nag-feature sila ng mga eksenang naganap noong may kalamidad at kung paano makakapagbigay ng pagmamahal at kasiyahan ang mga tao sa kapwa nila, kahit sa maliit na pamamaraan lamang, pero mas tumatagos sa puso.

* * *

Heto na ang sinasabi ni Sheryl Cruz, na hindi niya alam kung ibabalik ulit ang character niya, ang masamang si Valeria.

 For a while kasi, sa muling pagbalik ng character niya sa soap, bigla siyang bumait at naging madasalin, napatawad nga niya ang kinamumuhian niyang si Soledad (Glydel Mercado). 

Pero ngayon, siya na naman ang pasimuno para magkalayo muli sina Fernando Jose (Geoff Eigenmann) at Rosalinda (Carla Abellana).

Galit na si Fernando Jose sa asawa kaya magpa-file na siya ng annulment case laban kay Rosalinda.  

Malaman kaya ng mga bida na ang mga taong nasa paligid nila ang naghihiwalay sa kanila?

* * *

Nang makausap si Rhian Ramos sa taping ng Stairway to Heaven, ipinaalam sa kanya ng mga kausap na press people na ayaw ng mga fans niya na may bangs siya at kulot na hair, mas gusto nila ang hair niya nang magsimula ang soap.

Ayaw din pala ni Rhian, lalo na nang kailangang kulutin ang buhok niya, pero kailangan daw magkaroon ng distinction ang dual character niya, as Jenna and as Jodi. Ang hindi pa niya alam, kung ibabalik na ang dati niyang hair as Jodi dahil bumalik na nga ang memory niya at alam na niyang siya si Jodi.

Sa Stairway to Heart mamaya, malalaman na rin ni Maita (Jean Garcia) na nagbalik na ang memory ni Jodi at gagawa sila ng paraan ni Eunice (Glaiza de Castro) para hindi sila magkita ni Cholo (Dingdong Dantes). Mapaniwala kaya ni Jodi si Cholo na hindi siya si Jenna, dahil galit ito sa kanya sa paniwalang niloko siya?

* * *

Inamin na ni Eula Valdez na hiwalay na sila ng dating asawang si Richard Littonjua, at mahirap talaga ang long-distance relationship. 

Naka-base kasi si Richard sa Australia at siya naman, kasama ang dalawang anak, ay nandito sa Pilipinas. Inamin naman ni Eula na may boyfriend na rin siya ngayon. 

Happy si Eula dahil tuloy na ang pagtatrabaho niya sa GMA Network at may bago siyang telefantasyang gagawin, kasama sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, sa direksyon ni Mac Alejandre.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

CARLA ABELLANA

FERNANDO JOSE

JODI

JOLINA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with