^

PSN Showbiz

Christmas ID ng Kapamilya mapapanood na

- TV UPDATE -

Bibigyang halaga ng ABS-CBN ang ilaw at kinang ng pag-asang patuloy na nagmumula at lumalabas sa puso ng mga Pinoy sa pamamagitan ng kanilang panibagong Christmas Station ID na matutunghayan ngayong Miyerkules (Nov 4).

Matapos magdaan sa napakaraming unos ang bansa, isang mensahe ng pag-asa at pagpupugay sa hindi matatawarang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan ang nais iparating ng inaabangang SID kasabay ng mensahe ng pagpapasalamat sa patuloy na paggabay ni Bro sa bawat isa sa atin.

Pangungunahan ng mga Kapamilya stars na sina Sarah Geronimo, Piolo Pascual, KC Con­cepcion, Billy Crawford, Erik Santos, Mark Bau­tista, Rachelle Ann Go, Yeng Constantino, Jed Madela, Nina, Sitti, Aiza Seguerra, Richard Poon, Duncan Ramos at Pinoy Dream Academy kids ang pag-awit ng theme song na alinsunod sa temang Bro, Ikaw Ang Star ng Pasko.

Ito ay sinulat ni ABS-CBN Creative Com­muni­cation Management (CCM) Head Robert Labayen at sinaliwan ng musikang likha nina Marcus at Amber Davis.

Magkakaroon ito ng premiere ngayong araw pagkatapos ng Parol ni Bro global lighting event ng ABS-CBN na matutunghayan sa TV Patrol World.

Ang Parol ni Bro ay mabibili sa iba’t ibang disenyo at laki sa piling SM Kultura at SM Department store outlets. Ang perang malilikom dito ay mapupupunta sa pondo ng Bayanijuan at Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation.

* * *

Malalasing si Charlie (TJ Trinidad) the night befo­re the wedding. Male-late ito sa paggising the next day.

Nasa huwes na ang lahat, si Charlie nalang ang kulang! Galit na galit si Jenna (Rhian Ramos).

Instead of Charlie, si Cholo (Dingdong Dantes) ang darating!

Inis na inis si Eunice (Glaiza de Castro) nang malaman na di natuloy ang kasal ni Jenna at Charlie. Sa bahay ni Badet (Karen delos Reyes) tumuloy si Jenna dahil sa galit pa rin ito kay Charlie. Wala namang kaalam-alam si Jenna na si Badet ang may kasalanan kung bakit nalasing si Charlie. May usapan kasi sina Badet at Cholo!

* * *

Nagdarasal si Zandro (Paolo Contis) sa simbahan, makikita ito ni Fr. Mateo (Eddie Garcia).

May makakabungguan si Zandro na babae at sasagpangin ito.

Sa dalampasigan, makikita ang katawan ni B. Lawin na nababalot sa lumot; dating si Crisanto and sees B. Lawin.

Malalaman na ni Dr. Morgan (Ricky Davao) na nasa dalampasigan ang katawan ni B. Lawin.

Binubuyo ni Impy (Mura) si Serpina na bakit hindi na lang pabayaan ang kapatid at para si Serpina na lang daw ang maging reyna ng mga ahas.

Ayon kay Dr. Morgan, ‘di pa raw patay si B. Lawin, nag-shut off lang, may pipindutin sa computer, lalabas ang image ni lawin magmumulat si B.Lawin sa may dalampasigan na ikagugulat nina Crisanto at ng mga naroroon. Lilipad palayo si Lawin.

Darating si Darna (Marian Rivera) sa dalampasign, malalaman na wala na si B.Lawin.

Consuelo tries to escape sa bantay nito. Haharangin ito ni Alee. Sasabihin ni Consuelo na patay na ang anak ni Alicia.

Hinahanap ni Darna si B.Lawin nang makita niya ang 1 car, si Ed ang nagda-drive, lasing ito. Naglasing  ito dahil kay Narda.

Nakatayo si Lawin sa malaking puno, nagmamasid. May pupulupot na vines sa paa niya. Si Carnivora pala ang nasa may vine.

May parang hinihintay si Ding (Buboy ) sa may bintana, si Eduardo (Anthony Mark Fernandez) pala. Haharanahin ni Eduardo si Narda. Kilig si Narda at si Aleli.

Hinahanap nina B. Lawin at Carnivora si Tuod. Kailangan ni B.Lawin na makita si B.Tuod para isanib ang powers nila.

Aalukin ulit ni Eduardo si Narda ng kasal. Papayag na si Narda na magpakasal kay Eduardo.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

AMBER DAVIS

ANG PAROL

ANTHONY MARK FERNANDEZ

BADET

DR. MORGAN

EDUARDO

LAWIN

NARDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with