^

PSN Showbiz

Jimson evicted, Princess lumabas sa Bahay Ni Kuya

-

MANILA, Philippines - Sunud-sunod ng mga makapigil hiningang eksena ang mga nagdaang araw sa Pinoy Big Brother Double Up. Noong Sabado (Oct 24) ay pinangalanan na ang kauna-unahang evictee sa season na ito, na walang iba kundi si Jimson, ang Houseband ng Spain.

Samantala, nitong Linggo (Oct 25) ay ginulantang naman ni Princess ang buong bayan sa kanyang pagbo-voluntary exit matapos patawan ng automatic nomination. Dahil sa pakikipag-usap sa housemate tungkol sa nominasyon, binigyan ni Kuya ng automatic nomination si Princess ng House A at Mariel at Yhel ng House B.

Imbes na sumalang sa nominasyon muli ay pinili ng Sassy Vamp ng Cebu na lumabas na lang. “This is not the game for me,” aniya. Si Mariel naman ay nailigtas pa dahil sa isang activity na ginawa ng House B para sa kanya.

Hindi naman nagtagal ang laya ng Struggling Mom ng Davao dahil isa pa rin siya sa pinaka­maraming nakuhang boto sa ginanap na ikalawang nomination night noong Linggo (Oct 25). Siya, si Carol, at si Yhel ang mga nanganganib na mapaalis sa bahay ni Kuya sa susunod na Sabado (Oct 31) mula sa House B.

Sa House A naman ay nominado si Tibo na nag­pakita ng “weakness” nang mag-backout siya sa pag-o-all-the-way sa kanilang task dahil sa pamilya. Si Delio ay nominado rin dahil marami-rami na rin ang nakakasagutan sa kanyang mga kasama.

Mayroon kayang papasok na bagong housemate para punan ang mga slots ng mga sumukong housemates na si JP at Princess? Abangan din ang buong detalye sa magaganap na Big Brother swap sa mga susunod na araw.

vuukle comment

BIG BROTHER

HOUSE A

HOUSE B

KUYA

LINGGO

NOONG SABADO

PINOY BIG BROTHER DOUBLE UP

SA HOUSE A

SASSY VAMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with