^

PSN Showbiz

JC nagpipigil kay Maxene

- Veronica R. Samio -

Hindi naman actually nawala sa music scene si Blakdyak, nag-concentrate lamang siya sa pagkanta sa ibang bansa kasama ang grupo niyang Tribe. Nili­bot nila ang Asya, Amerika, Europa at Africa para ku­manta. At nang bumalik sila, recording naman ang ina­sikaso nila.

Labas na ang bago nilang album, 4th nila na isang novelty/reggae album na pinamagatang Blakdyak’s Tribe, Sino Ba?

Meron itong 10 tracks na ang carrier single ay Sino Ba? na si Blakdyak mismo ang gumawa ng musika at naglapat ng lyrics.

The other cuts are Skatalalong, Beep Beep, May Tama, Tumawa Nang Tumawa, Bilog Na Naman Ang Buwan, Hoy Mistiso, Bahay Kubo, Musica na lahat sinulat ni Blakyak.

May isa pang cut, ang Dyargo, na isang Tagalog version ng Jai Ho ng Pussycat Dolls.

Prodyus ang album ni Helen Cruz at Bob Cruz kasama ang Twinkle 21 Production at ipinamamahagi ng Viva.

Ang Blakdyak Tribes ay binubuo nina Blakdyak, Danilo Santos (percussion), Paul Lauricio (1st guitar), Aying Sayson (2nd guitar), Milo Ranes (bassist), Jeson Davila (drummer), at Noel Baniqued (keyboardist).

Marami ang nag-aakala na ngayon lamang nag­karoon ng banda si Blakdyak. Akala nga nila kasama ito sa mga pagbabagong makikita nila sa kanya. Pero, sa totoo lamang, mga 18 years nang magkakasama sina Blakdyak at ang Tribe pero, sa recording solo lang si Blakdyak.

Marami ang magiging curious sa sinabi kong pagbabago kay Blakdyak. Bukod sa pagiging visible ng Tribe, work-oriented ngayon ang singer. Kung dati ay parang nilalaro-laro lamang niya ang kanyang trabaho, hindi na ngayon. Malaki ang kontribusyon sa pagbabagong ito ng singer ang kanyang tatlong taong gulang na anak na babae na si Wijona na nagmana ang talento ni Blakdyak.

“Iba na ang panahon ngayon, hindi na ako bumabata. Kailangan ko nang paghandaan ang kinabukasan ng mga anak ko. At saka, kailangang samantalahin ko na in demand pa ako. Pag matanda na ako baka wala nang kumuha,” sabi niya. He also made clear yung isyu nila ni Angelika dela Cruz na nagsabing hindi niya sinipot ang isang gig niya sa club nito. Ipinaliwanag ng kanyang misis na tumatayong manager niya na hindi nila ito kasalanan kundi ng booker nila. 

* * *

Kahit alam mong in love na in love si JC Tiuseco kay Maxene Magalona, hindi siya makaporma sa dalaga dahil iginagalang pa niya ang pamimighati nito sa break-up nito sa kanyang boyfriend.

Nagkakasya na lamang ito sa kanilang friendship na kung saan malaking tulong siya para sa mabilis na recovery nito.

Nagsimula ang friendship ng dalawa nang magkasama sila sa isang serye sa GMA 7.

* * *

Sa kabila ng madalas na pagsusungit ng panahon na sinasabayan pa ng pagbaha, landslide, at takot dahil nililindol ang ibang mga bansa nakatapos at nakatapos ang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club ng kanilang screening ng mga kanta para Star Awards for Music na magaganap sa buwang ito at napaka-raming palabas sa TV para naman sa Star Awards for TV na magaganap naman sa susunod na buwan.

Anytime now ay maglalabas na ng nominasyon ang PMPC para sa Star Awards for TV. Ang nominasyon para sa Star Awards for Music ay matagal nang napili at na-publish.

vuukle comment

ANG BLAKDYAK TRIBES

AYING SAYSON

BAHAY KUBO

BEEP BEEP

BILOG NA NAMAN ANG BUWAN

BLAKDYAK

BOB CRUZ

NILA

SINO BA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with