^

PSN Showbiz

Sa sobrang takot kay 'Pepeng', concert ni Dionne Warwick nilangaw; Relasyon ni Ricky Davao sa ibang babae alam ni Jackielou

- SEEN SCENE -

Seen : Fifteen percent lamang ang nanood ng concert ni Dionne Warwick sa Araneta Coliseum noong Biyernes ng gabi. Umatras sa panonood ang mga bumili ng tickets dahil sa pangamba na abutin sila ng malakas na bagyong Pepeng.

Scene : May dapat ipaliwanag si Gene Padilla sa threatening text message niya kay Mark Herras. Hindi kuntento si Gene sa P100,000 na balato na ibinigay sa kanya ni Mark nang magwagi ang grupo nito (Rainier Castillo at Jana Roxas) ng P3 million sa Hole In The Wall.

Seen : May trauma na si Jed Madela sa malakas na ulan. Pinasok ng baha ang bahay ni Jed sa Cainta, Rizal.

Scene : Inilipat sa November 14 sa Mall of Asia Concert grounds ang fund-raiser concert ni Katy Perry para sa mga biktima ni Typhoon Ondoy. Naka-schedule din sa November 14 ang Ondoy victims fund-raiser concert ng OPM sa Araneta Coliseum.

Seen : May phobia na rin si Cristine Reyes sa malakas na ulan at hangin dahil sa mga karanasan nila ng kanyang pamilya nang manalanta ang bagyong Ondoy.

Scene : Timothy Eigenmann ang tunay na pangalan ni Sid Lucero. Ginamit na screen name ni Timothy ang pangalan ng karakter sa Batch ’81 ng kanyang tatay na si Mark Gil. Mas magaling umarte si Sid kesa sa kanyang ama.

Seen : Kumpirmado na ang relasyon ni Ricky Davao sa magazine editor na si Sari Yap. Tanggap ni Jackielou Blanco ang relasyon ng kanyang asawa sa ibang babae.

Scene : Dapat mag-enroll sa speech lesson si Coco Martin. Nakaka-distract ang kanyang “lisp” ( speech defect ) sa tuwing magsasalita siya.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

COCO MARTIN

CRISTINE REYES

DIONNE WARWICK

GENE PADILLA

HOLE IN THE WALL

JACKIELOU BLANCO

JANA ROXAS

JED MADELA

KATY PERRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with