^

PSN Showbiz

Dingdong proud sa Stairway.

-

MANILA, Philippines - Habang tumatagal ay mas lalong nagiging kapana-panabik ang mga tagpo sa Stairway to Heaven. Tulad na lamang sa mga eksenang mapapanood bago magta­pos ang ika-tatlong Linggo ng Stairway to Heaven, magkakaroon ng pa-con­test ng mural painting si Dingdong Dantes (Cholo) sa amusement park.

Makikita ito ni Rhian Ramos (Jenna) at pupunta rito sina Jenna at Badet (Ka­ren delos Reyes) at balak isali si Charlie (TJ Trinidad). Dito ay muntikan na silang magkikita nina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza de Castro).

Bagama’t tatlong linggo pa lamang umeere sa primetime ang Stairway to Heaven na napapanood after ng Darna, marami na ang nagsasabi at nagbibigay ng kani-kanilang review isa ito sa may pinaka-magandang naging Pinoy adaptation among the Korean series.

Sa serye rin na ito lalong nabibigyan pansin at napapatunayan ang intensity at lalim ng acting ni Dingdong. 

Definitely, naipakita ni Dingdong ang kanyang lalim sa pag-arte. 

On Dingdong’s part, dahil na rin daw sa mga nakakarating sa kanilang maga­gandang review at comments about their series, mas lalo raw itong nakaka­pagbigay ng inspirasyon sa kanya na mas lalo pang ibigay ang best at mas lalo pang pagandahin at i-elevate ang pag-a-adapt ng Pinoy sa ilang seryeng minahal na ng husto noon pa man tulad nga ng Stairway to Heaven.

vuukle comment

BADET

BAGAMA

DARNA

DINGDONG DANTES

DITO

EUNICE

JEAN GARCIA

ON DINGDONG

PINOY

RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with