^

PSN Showbiz

Mga nagbayad ng tiket nagalit: Maraming nanood sa show ni Willie Revillame pinapasok ng libre

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nabalitaan ko nung nasa Canada kami para sa isang That’s Entertainment show na nagkaroon din dun ng show si Willie Revillame. Mga 5,000 daw ang naibentang tiket pero nang magsisimula na ay nagpapasok ng mga 7,000 katao ng libre, hindi pinagbayad. Siyempre, nagalit yung mga bumili ng tiket.

Susunod sa palabas ni Willie ay ang show naman ni Dolphy. Nag-request daw ang producer ng show na kung maaari ay i-plug naman ito ni Willie sa kanyang show pero hindi niya ginawa. Sa kanya raw isinisisi ang pagiging flop ng show ng hari ng komedya.

Nagtataka naman ako kung totoo ang tsikang ito.

Magkaibigan naman ang dalawa at mag-Kapamilya pa, bakit hindi sila nagtulungan?

Nung kailangan ni Willie ang tulong, nabalitaan ko na si Dolphy pa ang nagpapayo sa kanya.

* * *

Mukha talagang kinakagat ang tambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Meron na naman silang bagong serye, ang Ikaw Sana, kasama si Pauleen Luna.

Sina Mark at Jennylyn ang matatawag na true friends dahil sa kabila ng naudlot nilang relasyon, nagagawa pa nilang mapanatili ang kanilang pagiging magkaibigan. Sila nga ang sa tingin ko ay mas mabuting friends than lovers. Iba ang ginagawa nila sa harap at likod ng kamera. And Mark is such a gentleman, na kahit na nung ipinaaangkin sa kanya ang anak ni Jennylyn ay never niya itong itinakwil. Unlike kay Patrick (Garcia, the real father of her child) na nagkaroon ng pagdududa ang paternity nito na hindi binigyan ng solusyon ng tunay na ama ng bata.

Masisisi mo ba ang ina kung tuluyan na niyang ipagkait sa ama ng bata ang lahat ng karapatan nito sa anak?

Pero ako umaasa na lalambot din ang kalooban ni Jennylyn. Na balang araw ipakikilala rin niya sa anak ang ama nito.

* * *

Ang daming tumatawag sa akin sa radyo na nagri-request na bakit hindi naman daw pagtambalin ng GMA 7 sina Jennylyn at Hero Angeles. May chemistry naman silang nakita nang unang magpareha ito sa Paano Ba Ang Mangarap. Kahit maikli lamang ang naging role ni Hero dahil namatay agad ang character niya, nakita ang kahusayan nitong umarte at ang pagiging bagay nilang magkapareha ni Jennylyn.

Oo nga. Ako rin, napansin ko ito.

Baka nga nakakaligtaan lang nila si Hero. Mahusay namang artista ito at may itsura rin naman.

* * *

I’m sure hindi gimik yung naririnig kong diumano’y away daw nina Iza Calzado at Sunshine Dizon.Talagang may grupo na gusto silang intrigahin para sila mag-away ng tuluyan. Matagal na silang nagkakasama sa mga proyekto pero nagsimula lamang ito sa All About Eve na pinagkumpara ang kanilang roles and they favored one over the other.

Ano kaya ang motibo nila? Sino kaya sa dalawa ang gusto nilang i-down?

vuukle comment

ALL ABOUT EVE

DOLPHY

HERO ANGELES

IKAW SANA

IZA CALZADO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MARK HERRAS

NAMAN

PAANO BA ANG MANGARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with