^

PSN Showbiz

Blogger natuwa nang mag-alsa balutan si Willie Revillame

-


MANILA, Philippines - Maraming natuwa sa balitang nag-evacuate na sa ABS-CBN si Willie Revillame as in hinakot na niya ang mga gamit niya sa kanyang dressing room. Ayon sa mga bloggers, tama ang desisyon ni Revillame na magkusang hakutin ang kanyang mga gamit bago tuluyang lumala ang galit sa kanya ng sambayanan dahil sa ginawa niyang pambabastos sa libing ni dating Pangulong Cory Aquino.

“Sinasabi nga namin, pinatawad nga siya ng pamilya Aquino, pero pinatawad na ba siya ng sam­bayanan. Hindi pa. Marami na siyang kasalanan na hindi napapansin. Pero ito, pikon na ang tao lagi na lang siyang pinagbibigyan. Saka tama na ang pananamantala niya sa mahihirap. Hindi naman sa kanya ang pinamimigay niyang pera sa show niya,” sabi ng isang beterano na sa showbiz.

“Hindi rin ako naniniwala na may mga nagra-rally. Gimik lang ‘yan. Hahaha,” sabay tawa ng isa pang showbiz observer.

Inaasahan din nila na may mangyayari sa reklamo ni Arlene De Guzman Ronquillo sa lantarang pagsasabi ng TV host ng personal sa isang dancer ng Wowowee at sa asawa ni Arlene.

Actually, buti nga at nagreklamo siya dahil walang nakakapansin sa mga dialogue niya on air na personal na palang pang-aatake.

Nagagamit ang programa at ang buong ABS-CBN.

* * *

Totoo na. Balik-telebisyon na si Lorna Tolentino sa ABS-CBN, Dahil May Isang Ikaw.

Katambal si Gabby Concepcion, handang-handa na si LT upang bigyang buhay ang isa na namang ‘di malilimutang karakter na matagal niyang hindi nagawa.

Epektibo ang naging pagganap ni Lorna noon mapanghamong papel niya bilang Lorrida ar Lorrea sa hit series na Kay Tagal Kitang Hinintay kung saan nakatanggap ito ng maraming positibong feed­back mula sa mga tagasubaybay.

Sa muli niyang pagsabak sa panibagong pro­yekto na muling susubukan ang kanyang husay sa pag-arte, ibang Lorna muli ang inyong matu­tung­ha­yan habang ginagampanan ang karakter ni Tessa.

 “Na-miss ko nang makatrabaho si Gabby. This will be the first time na magsasama kami on a prime­time teleserye kaya excited ako talaga. Na-miss ko rin siyempre ang mapa-sama sa isang prime­time TV project.

 Tumutok na sa Dahil May Isang Ikaw simula sa August 24. (Salve V. Asis)

vuukle comment

ARLENE DE GUZMAN RONQUILLO

CORY AQUINO

DAHIL MAY ISANG IKAW

GABBY CONCEPCION

KAY TAGAL KITANG HININTAY

LORNA

LORNA TOLENTINO

SALVE V

SHY

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with