^

PSN Showbiz

'Circle of 16' ng Are You The Next Big Star? nabuwag na!

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines - Nabuwag na ang Circle of 16 ng Are You The Next Big Star? Sa isang double-elimination noong nakaraang Sabado, natanggal sina Rachel Gabreza (16 y.o.) ng Cebu at Justin Francis (19 y.o.) ng San Francisco, California, matapos silang makakuha ng pinakamababang scores mula sa mga hurado.

Bigo man sila sa kanilang pangarap na mag-uwi ng titulo bilang ‘‘next big star,’ pinayuhan sila nina Danny Tan, Mon Faustino, Annie Quintos, Randy Santiago at Pops Fernandez na huwag silang mawalan ng pag-asa at ipagpatuloy pa rin ang pag-abot sa kanilang mga pangarap.

Samantala, maghaharap-harap muli ang mga kalahok sa ‘‘big stage’ ngayong Sabado para sa isa na namang round ng individual performances. Boys vs. boys at girls vs. girls pa rin ang labanan ng mga natitirang kalahok.

Sila ay sina Geoff Taylor, Alex Castro, PJ Gonzales, Bobby Solomon, Jay Perillo, Anton Cruz, Greggy Santos, Zyrene Parsad, Camille Cortez, Cara Quiapos, Christine Allado, Frencheska Farr, Shane Tarun at Alexa Ortega.

Gayundin, tuluy-tuloy sa pagbisita sa iba’t ibang SM Malls ang mga contenders ng Are You The Next Big Star?. Abangan sila ngayong July 11 sa SM San Lazaro, July 12 sa SM Clark, July 18 sa SM Sta. Mesa, July 19 sa SM Muntinlupa, at July 25 sa SM Molino.

Akting ni Maricar pinupuri

Patuloy na pinahahanga ni Maricar Reyes ang mga manonood tuwing Linggo sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal. Parami ng parami ang tumututok dito sa nangungunang serye tuwing Linggo, sa katunayan, maraming avid followers ang naglaan ng oras na mag-iwan magagandang komento sa official site ng nasabing series (http://yoursongpresents.multiply.com).

She’s pretty and very promising as an actress. It’s good that you somehow have moved on. I hope ABS-CBN will give her more projects and hopefully be visible in commercials again” mula kay Celia 1222. Isa pang komento ang nagmula kay charice0310 “Nice acting for a new comer...goodluck and be brave.”

Sa pagpapatuloy ng kuwento, matutuklasan ni Dante (Rey PJ Abellana) ang bawal na relasyon nina Amy (Maricar Reyes) at Obet (Sid Lucero) na magtutulak sa kanyang palayasin ng bahay si Amy. Nais na sanang makipag-kalas ni Amy kay Obet subalit tatanggi ang huli dahil kay Amy lang daw niya naramdaman ang tunay na pagmamahal.

Paano haharapin ni Amy ang mga disappointments na idudulot ng kanilang bawal na pag-ibig?

Alamin ngayong Linggo sa Your Song Presents Gaano Kita Kamahal?, pagkatapos ng ASAP’09 sa ABS-CBN.

PMPC may Medical Mission

Kaugnay ng layuning makatugon sa mga panga­ngailangang pang-kalusugan ng mga mamamayang dukha, ang Philippine Movie Press Club (PMPC), sa pakikipagtulungan ng UNTV-37 at ni Kuya Daniel Razon ay magsasagawa ng medical mission at charity show para sa mga residente ng Payatas, sa Quezon City.

Ito’y nakatakdang ganapin sa Linggo, Hulyo 12, 2009, ganap na ika-10 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa Molave Covered Court Payatas Road (Formerly Litex Rd.) beside Justice Cecilia Palma High School.

vuukle comment

ALEX CASTRO

ALEXA ORTEGA

ANNIE QUINTOS

ANTON CRUZ

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

BOBBY SOLOMON

LINGGO

MARICAR REYES

YOUR SONG PRESENTS GAANO KITA KAMAHAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with