^

PSN Showbiz

Billy tinamaan talaga ni Kupido!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Wala, talagang tinamaan na ng palaso ni Ku­­pido ang aking anak-anakang si Billy Crawford! Obvious ang pagka-in love niya sa girlfriend na si Nikki Gil at mukha namang nakakatulong sa kanilang dalawa ang kanilang relasyon, mas inspired sila sa kanilang mga trabaho.

Nung dumating si Nikki mula sa US tour ng Star Magic, walang pakialam na sinalubong siya ni Billy sa airport. Ah, that is love. At sa ASAP ’09, ang kanilang mga titigan ay nagpa­pakilig hindi lamang sa mga manonood kundi maging sa mga kasamahan nila sa show.

***

Sure ako na simula na ng pag-angat ng career ng Pinoy Idol na si Gretchen Espina. Bukod sa mayroon siyang natapos na debut album na kailangan niyang i-promote at mag­sisilbing dahilan para siya makitang palagi sa TV at marinig sa radyo, linggu-linggo ay ma­papanood na siya sa malaganap na programa ng GMA 7, ang SOP. Yes, regular na siya sa nasabing programa at kung hindi pa siya tuluyang sumikat ay kasalanan na niya.

***

I’m sure kasama kayo sa mga nanood sa unang airing kagabi ng Rosalinda, if only to see kung may ibubuga ba ang ipinakikilalang aktres sa serye na si Carla Abellana. ’Di bale na si Geoff Eigenmann dahil napanood na siya at alam na natin na namana niya ang galing sa pag-arte sa kanyang mga magulang. Kay Carla kayo excited at sure ako na hindi naman kayo nabigo. ’Di ba ang ganda-ganda niya at swak siya bilang Rosalinda?

Hindi naman nakapagtataka kung naka­kaarte siya. Tulad ni Geoff, galing din siya sa pamilya ng mga artista. Artista ang ama niya na si Rey “PJ” Abellana. Magaling din na artista ang lola niyang si Delia Razon.

But both Geoff and Carla will be judged by their own merits, hindi sa kung sino ang mga kamag-anak nila. At sa nakita ko naman, maganda ang future nila.

***

Nagalit ako kay Angel Locsin sa aking radio program dahil lamang sa narinig kong sinabi niya na kung hindi dahil sa ABS-CBN ay hindi siya magiging isang aktres.

Ano ba ’yan, tinatanggihan ba niya ang katotohanang pinagbuhusan siya ng pera at panahon ng GMA 7, na kung hindi dahil dito ay baka ni pangalawang tingin o pansin hindi siya bi­bigyan ng kabilang istasyon?

Sino ba ang may kasalanan kung hindi niya naramdaman na aktres siya eh hindi naman mga patak­buhing palabas ang ibinigay sa kanya ng Siete?

Maganda na ang katayuan niya sa Dos, sana huwag na siyang magbibitiw pa ng mga salita na magbibigay sa kanya ng masa­mang imahe. Konting hinay naman sa pag­bibitiw ng hindi maga­gandang salita dahil kahit saang anggulo tingnan, may dapat kang tanawin sa GMA 7, Angel.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BILLY CRAWFORD

CARLA ABELLANA

DELIA RAZON

GEOFF AND CARLA

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with