^

PSN Showbiz

Robin ayaw nang maka-trabaho ng mga taga-GMA 7; Goma nangangampanya na sa Ormoc; Katrina tutuluyang idemanda ni Dra. Belo

- SEEN SCENE -

Seen : Ang mga kontra-demanda ni Dr. Vicki Belo laban kay Katrina Halili. Isasampa na niya ang mga kaso laban kay Katrina sa lalong madaling-panahon. Iniipon na ni Dra. Belo ang kanyang mga ebidensya.

Scene : Selling like hotcakes sa Metro Manila ang Michael Jackson commemorative issue ng Time magazine.

Seen : Ang denial ni Marian Rivera na tinanggihan niya na makasama sa Darna si Katrina Halili. Hindi naging maganda ang working relationship nina Marian at Katrina sa Marimar.

Scene : Magsisimula sa July 17 ang Cinemalaya Cinco sa Cultural Center of the Philippines. Siyam na araw ang Cinemalaya Cinco. Matatapos ito sa July 26.

Seen : Si Richard Gomez sa Ormoc City. Nag-umpisa na si Richard sa pakikisalamuha sa mga mamamayan ng Ormoc dahil kakandidato siya doon na congressman. Ngayon ang dating ni Richard mula sa Ormoc, tutuloy siya sa presscon ng Bente.

Scene : Ang banta ng creative TV ng GMA 7 na iboboykot nila ang farewell party ng Totoy Bato dahil hindi sila masaya sa naging takbo ng programa. Ayaw na nilang maka-trabaho si Robin Padilla.

Seen : Si Charice sa kanyang free concert sa Gateway Mall kahapon. Marami ang nanood sa libreng show ni Charice.

Scene : Walang kakaiba sa record album ni Dr. Manny Calayan. Amateur ang pagkakaawit niya sa mga kanta. Mag-concentrate na lamang siya sa kanyang medical profession.

vuukle comment

CHARICE

CINEMALAYA CINCO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

GATEWAY MALL

KATRINA HALILI

MANNY CALAYAN

MARIAN RIVERA

METRO MANILA

MICHAEL JACKSON

ORMOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with