^

PSN Showbiz

Jennylyn handa nang maka-trabaho si Patrick

- Veronica R. Samio -

Was Baron Geisler disappointed nang matalo siya sa katatapos na 25th Star Awards for Movies? Nominado siya sa mga kategoryang Movie Actor at Supporting Actor para sa kanyang pelikulang Jay, isang indie film where he won sa ilang awards giving bodies and was hailed as an actor to reckon with.

Ang pagdating ni Baron sa PMPC awards night ay patunay lamang ng kanyang pag-asam ng panalo. Tanggap na sa mga ganitong affair ay dumadalo lamang ang mga sure winner. Ano kaya ang naramdaman niya nang matalo siya? Isa bang nakaapekto sa kanya ang pagkakasangkot na naman niya sa isang kaso ng lascivious act na isinampa sa kanya ni Yasmien Kurdi na nakasama niya sa isang programa ng GMA 7?

Ano kaya ang naramdaman nina Emilio Garcia at German Moreno na tumalo kay Baron, at maging kina Ricky Davao at Phillip Salvador bilang Movie Supporting Actors? Una ito ni Kuya Germs sa Star Awards for Movies bagaman at ilang ulit na siyang nanalo sa Star Awards for TV. Pangalawa naman ito ni Emilio.

Ang iba pang major winners sa katatapos na Star Awards for Movies ay sina : Sharon Cuneta (Caregiver) at Jericho Rosales (Baler), Movie Actor & Actress; Baler at Mark Meily, Movie at Movie Director; Yanggaw at Richard Somes, Digital Movie at Director; Snooky Serna, Digital Movie Supporting Actress; Manny Pacquiao, Newsmaker; Herbert Bautista, Darling of the Press; Gov. Vilma Santos, Ulirang Artista; KC Concepcion at Sherwin Ordonez, New Movie Actress and Actor; Julian Duque, Movie Child Performer at John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, Stars of the Night.

* * *

Malapit nang matapos ang Tayong Dalawa at ganito kaaga ay nagbigay na ng thanksgiving blowout ang ABS-CBN para sa patuloy na pagtatagumpay nito hindi lamang sa punto ng ratings kundi lalo na sa acting. 

Pinaka-noteworthy ang matagumpay na pagbabalik ni Helen Gamboa sa pag-aartista. Dati ay kontento na ito sa pagiging maybahay ng isang public servant at ina ng kanyang mga anak na iba-iba ang pino-pursue na career. Happy na rin siya sa pagiging lola, until Tayong Dalawa beckoned.

Ngayon, kung masusundan pa ang Tayong Dalawa, ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aartista.

* * *

Kung ganyang pumapayag na si Jennylyn Mercado na makapareha kung saka-sakali si Patrick Garcia sa isang project, may pag-asa nang matatanaw si Patrick na muling mababalik ang komunikasyon nila ng ex-girlfriend kahit na bilang magkasama na lamang sa trabaho.

Unti-unti na siyang nakaka-move on sa nakakatakot na kaisipan na hindi na niya makikita ang anak niya sa aktres pero, kung magkakasama silang muli sa work, he may still convince her na wala siyang masamang balak sa bata o sa ina nito. Sapat na sa kanya ‘yung mag-co-exist sila peacefully sa napaka-liit na mundo ng showbiz.

* * *

Ginawaran ng Gold Record Award sa ASAP ang all-male hip-hop dance group ng bansa na Street Boys sabay sa paglabas ng kanilang second single na Pata Pata Pon. Ito ay dahil sa matagumpay na sales ng kanilang album na pinamagatang Vhong Navarro and Street Boys: Let’s Dance na naglalaman ng kanilang carrier single na Ayos Na Ang Buto-Buto.

Nagdiriwang ang Street Boys ng kanilang 16th anniversary this year

vuukle comment

ANO

AYOS NA ANG BUTO-BUTO

BARON GEISLER

DARLING OF THE PRESS

DIGITAL MOVIE

MOVIE

MOVIE ACTOR

STAR AWARDS

STREET BOYS

TAYONG DALAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with