^

PSN Showbiz

Pelikula ng aktres dinadasalan ng fans

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nagdarasal ang mga fans ng aktres na sana ay hindi matuloy ang isang pelikula na pagsasamahan ng kanilang idolo at isang TV host.

Kontra sila dahil parang too old na ang nasabing TV host para sa nasabing aktres kahit kuya pa ang gagampanan nitong role.   Bukod doon, hurt sila sa nasabing TV host dahil nakakarinig sila ng negative comments like : “ang hirap namang imbitahin ng (name ng singer). Buti pa si ganito.”

“Kaya ayaw namin sa kanya. Hindi namin siya feel,” pahabol ng super die hard fan ng aktres.

Kahit daw tatay pa ang maging role ng TV host, ‘di nila type.

Sana raw kaedad na lang ang i-partner sa aktres.

“Magkaiba rin sila ng target audience kasi. Feeling ko lang, hindi bagay ang kumbinasyon nila,” pahabol ng isang friend ng aktres.

* * *

Grabe, hanggang Cebu box-office ang sex video nina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili. Yup, mabentang-mabenta raw sa Cebu ang pirated copy ng sex videos sa halagang P200 per copy.

Actually, hindi lang naman daw Cebu patok ang mga sex video na ‘yun kundi sa maraming sulok ng Pilipinas. Sobrang in demand daw ito kaya naka-jackpot ang mga nag-pirate.

* * *

Papalitan na lang ang LBC commercial ni Edu Manzano matapos tanggalin ang naunang commercial kung saan sinasabing ang spelling ng remittance ay LBC.

Inulan ng protesta ang nasabing commercial kaya pinatanggal agad ng manager ni Edu na si Ms. June Torrejon.

* * *

Mukhang malayo pa talaga sa plano ni Sarah Geronimo ang magka-boyfriend. Eh kasi wala naman daw sa kanyang nanliligaw, sabay tawa.

Though may mga nagpapahaging, pero wala naman daw talagang formal na nagpaparamdam.

Kaya imbes na intindihin ang boys, concentrate na lang daw siya sa trabaho at sa pag-aalaga sa kanyang mga dogs.

Kakarating lang niya mula sa super successful na two-month concert tour in the US.

Pero short break lang siya dahil sa ‘Pinas naman siya maglilibot.

Sarah Geronimo’s The Next One Philippine Tour 2009 is the pop idol’s way of thanking all her legions of fans for their unwavering support throughout her sensational career.

The tour begins on June 12 at the De La Salle Centrum in Lipa, Batangas. Then it’s on to the Bren Z. Guiao Convention Center in San Fernando, Pampanga (June 20), CSI Stadia in Dagupan City (June 26), Limketkai Atrium in Cagayan de Oro City (July 3), St. La Salle Coliseum in Bacolod City (July 17), Waterfront Hotel in Cebu City (July 31), ending at the San Agustin Gym in Iloilo City on August 21, Tacloban City Convention Center (August 28) and Holy Cross Gym, Davao City on September 20.

In between the tour, gagawa siya ng pelikula.

Wala pang final sa nasabing pelikula dahil balitang hindi na tuloy ang movie niya with Toni Gonzaga and Vhong Navarro.

* * *

Kakaaliw ang mga joke ngayon tungkol kay Hayden at Aling Dionisia.

Read n’yo ito…

Word for the day:

Q: What do you call the hidden camera used in sex video…

A: Hayden camera

* * *

GMA Flash Report! Aling Dionisia Pacquiao just signed 2 yrs exclusive contract with GMA 7, panlaban ng GMA kay Pokwang ng ABS-CBN.

* * *

“Pacquiao ay mabait at nakakatuwa.”

Send this to 50 people or magiging kamukha mo si ALING DIONISIA! Madami nang dumedma nito at nagsisi.

* * *

[email protected]

vuukle comment

ALING DIONISIA

ALING DIONISIA PACQUIAO

BACOLOD CITY

BREN Z

CEBU

CENTER

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with