^

PSN Showbiz

Aiai in love

RATED A - Aster Amoyo -

Ang ganda-ganda ni Regine Velasquez nang humarap siya sa entertainment press nung naka­raang Sabado (May 9) ng tanghali para sa pinakabagong singing star search na Are You the Next Big Star? (AYTNBS) kasama ang co-host niyang si Keempee de Leon. Kitang-kita sa aura ni Regine ang pagiging in-love (kay Ogie Alcasid siyempre). Bumagay kay Regine ang kanyang mahabang buhok (hair extension lang kaya ‘yon?) at nagmukha siyang bata.

Alam ng marami na si Regine ay produkto ng isang singing search—Bagong Kampeon—at Chona Velasquez pa ang kanyang gamit na pangalan.

Natatandaan pa namin noon ang mag-amang Gerry at Chona na nagbu-bus lamang galing Bulacan kapag sila’y lumuluwas ng Maynila dahil wala pa naman silang sasakyan dati. Napakalayo na ng narating ni Chona Velasquez noon sa Regine ngayon.  

Samantala, hindi ikinakaila ni Regine na ibang-iba ngayon ang mga reality singing search kumpara noon. Bukod sa mas malalaki ang premyo sa mga nananalo, may mga workshops para lalong ma-enhance ang mga kalahok. Hasang-hasa na si Regine sa paghu-host ng iba’t ibang reality star search.

Bukas ang AYTNBS sa mahuhusay na amateur at professional singers para sa isang all-out singing competition.  

Ang Are You the Next Big Star? ay magsisimulang mapanood ngayong Mayo 16.

* * *

Mukhang rosy na naman ang paligid ng singer-comedienne na si AiAi delas Alas dahil meron itong bagong admirer na Venezuelan na ang pangalan ay Julio. Dati umano itong boxer at ngayon ay isang ramp and commercial model. Naging Mr. Venezuela ito nung 2002. Isa sa mga araw na ito ay ipapakilala na ni AiAi sa publiko ang kanyang bagong inspirasyon.

Kahit nagsisimula pa lamang ang ‘love affair’ nina AiAi at Julio, marami na ang nagsasabi na hindi umano ito magtatagal tulad ng mga naunang relasyon ni AiAi lalupa’t masyadong bata itong si Julio. Pangunahan ba?

* * *

Mukhang desidido na si Cesar Montano na tumakbo sa pagka-gobernador sa kanyang hometown sa Bohol, kahit nakatagpo na ito ng bagong career sa paghu-host ng The Singing Bee.

Kapag muling pinasok ni Cesar ang pulitika, mukhang isasantabi muna ang kanyang movie and TV career lalupa’t kailangan niyang manatili sa Bohol sakaling siya’y mahalal. Willing din umano si Cesar na mag-relocate sa Bohol kung saka-sakali.

Bukod kay Cesar, marami pang ibang artista ang papasok sa pulitika.

* * *

Thankful si Keempee de Leon sa GMA 7 dahil sa patuloy na tiwala na ibinibigay sa kanya.

Sa totoo lang, hindi nawawalan ng project sa Kapuso Network si Keempee at pinakabagong challenge sa kanya ang pagiging co-host ni Regine Velasquez sa Are You the Next Big Star?

Tulad ng kanyang amang si Joey de Leon, effective din si Keempee sa pagganap ng mga gay roles pero kahit kelan ay hindi naman pinagdudahan ang kanyang pagkalalaki.

 Hindi rin ikinakaila ni Keempee na idol niya ang kanyang amang si Joey na patuloy na namama­yagpag sa rami ng TV shows.

“Maabot ko lang ang kalahati ng achievements ng dad ko, masaya na ako,” ani Keempee.

* * *

Personal: Belated birthday greetings kay Ara Mina (May 9), Charice Pempengco at Jun Lalin (May 10) at happy birthday noong Lunes (May 11) kay Judy Ann Santos-Agoncillo.

* * *

[email protected]  

vuukle comment

ANG ARE YOU THE NEXT BIG STAR

ARE YOU THE NEXT BIG STAR

BOHOL

CHONA VELASQUEZ

KANYANG

KEEMPEE

REGINE

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with