^

PSN Showbiz

Aktres palipat-lipat ng kandungan sa Amerika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Na-bother ako sa balita na palipat-lipat sa kandungan ng iba’t ibang mhin sa Amerika ang dating aktres na wholesome ang image.

Ayoko sanang paniwalaan ang tsismis pero ang mga kaibigan ng aktres ang nagkukuwento tungkol sa kanyang extra-curricular activities.

Desperada na ba ang aktres sa kanyang buhay kaya naging woman of the world na siya? Woman of the world daw o!

Sayang naman ang aktres kung mapapariwara sa ibang bansa ang kanyang buhay. Mabuti pa yata na bumalik na siya sa Pilipinas dahil kahit papaano, may career siya na puwedeng balikan. ‘Yon eh kung tatanggapin pa ang aktres ng fans na kanyang iniwanan.

* * *

Aapir si Katrina Halili sa Startalk sa darating na Sabado dahil magsasalita siya tungkol sa pagkalat sa Internet ng video nila ni Hayden Kho.

Sa totoo lang, kawaawa si Katrina dahil pinagsisihan na nito ang pakikipagrelasyon niya kay Hayden pero hindi niya inaasahan na lilitaw ang video.

Si Katrina ang nilalait ng mga tao at siya ang nagdurusa sa video na kagagawan ni Hayden. Kung hindi kinunan ni Hayden ang “rehearsal” nila ni Katrina, wala sanang ebidensiya na nagkaroon sila ng love affair at mananatiling tsismis lamang ang lahat.

Bago pa kumalat ang video sa Internet, ipinagmalaki na ni Hayden sa kanyang mga kaibigan ang mga babae na nakakatsugihan niya. Gawain ba ‘yon ng isang gentleman?

Totoong sinabi ko na nakakatakot na maging pasyente ni Hayden ang mga babae. Kung ako ang nanay ng isang babae, hindi ko ipagkakatiwala kay Hayden ang pagpapagamot sa aking anak bilang pag-iingat.

* * *

Nag-quit na si Hayden sa showbiz, si Katrina na lang ang mag-isang magpapaliwanag at magta­tanggol sa kanyang sarili.

Nasaan si Hayden? Well, nababasa na lang natin na bumibiyahe siya at nag-e-enjoy sa ibang bansa at ipinaubaya sa ibang tao ang paglilinis sa kanyang mga kalat na iniwan sa showbiz. Ang cheap ‘huh! Darating ang araw na makakakita rin ng katapat si Hayden dahil sa mga babae na inagrabyado niya.

* * *

Ayaw paawat ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Umaapela pa rin sila sa GMA 7 management para pagsamahin sa isang TV show ang kanilang mga idol, itsurang may sarili nang show si Marian, ang Darna at si Dingdong ang gaganap na Cholo sa Stairway To Heaven.

Tanggapin n’yo na lang ang katotohanan na darating ang araw na magkakaroon ng kanya-kanyang TV shows sina Marian at Dingdong.

Ipakita n’yo muna sa management ng GMA na susuportahan ninyo ang mga bagong show nina Marian at Dingdong at kapag mataas ang ratings nito, saka ninyo kalampagin ang mga big boss na pagsamahin uli sa isang project ang inyong mga iniidolong artista.

vuukle comment

AAPIR

DINGDONG DANTES

HAYDEN

HAYDEN KHO

KANYANG

KATRINA HALILI

MARIAN RIVERA

SI KATRINA

STAIRWAY TO HEAVEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with