^

PSN Showbiz

'Di sumikat na singer nanghinayang na maging ghost singer

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pormal nang nag-leave sa radio show nila ni Ted Failon sa DZMM at bilang news anchor ng Bandila ng ABS-CBN si Korina Sanchez kahapon, May 8. Kahit nalulungkot at mami-miss ang trabaho, kailangang pansamantalang talikuran ni Korina ang trabaho para paghandaan ang nalalapit na kasal nila ni Sen. Mar Roxas na kundi July ay September daw.

Sa Davao last week, namili na si Korina ng orchids na gagamitin sa kasal nila ng senador dahil mas gusto raw niya ang locally grown orchids kesa imported flowers. Next week, naka-schedule naman siyang lumipad sa Cebu para makipagkita sa internationally-renowned fashion designer na gagawa ng kanyang wedding gown (parang late na magpagawa o baka naman ginagawa na). Si Baby James nina Kris Aquino at James Yap daw ang ring bearers sa Roxas-Sanchez nuptial.

Birthday sa May 13 ni Sen. Mar at may simpleng selebrasyon daw sa Tondo.

Sa Facebook account ni Sen. Mar, nakalagay sa relationship status niya that he’s engaged. Nakasulat ding favorite niya si Ogie Alcasid, pero nagpaka-safe sa isinulat na favorite niya ang TV5 at hindi ang ABS-CBN o GMA 7.

* * *

Bukas na, Linggo ang pilot ng Power of 10 sa GMA 7, hosted by Janno Gibbs and the grandest game show kung ituring dahil sa laki nang mapapanalunan ng contestants. Sabi nga ni Janno, sana contestant na lang siya para may chance siyang manalo ng P10 million.

Sa pilot ng game show, sina Lolit Solis at Joey de Leon ang susubok masungkit ang P10 million. Kuwento ni Janno, muntik nang manalo ang isang taga-Showbiz Central sa dry run dahil one percent lang ang diperensya sa sagot nito sa tamang sagot.

“Pinakamalaking game show ito na may pinaka-maliit na host at may pinaka-maliit na talent fee,” wika ni Janno na agad binawi’t nagbibiro lang daw siya.

Puro percentage ang tanong at sagot sa Power of 10 at sa tanong kung ilang percentage na maaayos ang pagsasama nila ni Bing Loyzaga, mataas na numero ang sagot ni Janno.

Ang 2waytraffic ng Sony Entertainment Company ang may gawa ng game show at sikat sa 25 countries at sana, mag-click din dito.                                       

Samantala, sa last episode ng Kakasa Ka Ba sa Grade 5?, si Tessie Tomas ang huling susubok na makuha ang isang milyong piso.

* * *

Kinuha ang isang magaling, pero ’di sumikat na female singer na mag-ghost singer sa isang sikat na actress sa ginagawa nitong pelikula. Gustung-gusto ng singer ang role na sa second movie niya sana dahil naisip nitong makakatulong sa exposure niya ang movie.

Kontrabida lang ang manager ng female singer, hindi tinanggap ang offer dahil naliitan sa talent fee (TF) na ibabayad ng producer. Sa halip na makipag-tawaran, humanap ng ibang magaling na singer ang producer para ipalit sa original choice ng director sa role ng ghost singer. Laking panghihinayang ng singer sa nabulilyaso niyang paglabas sa pelikula, pero wala siyang magawa’t manager niya ang nagdesisyon.

Hindi naisip ng manager na baka masundan pa ng more movie projects kung tinanggap nila ang ni-reject na movie project at puwede silang maningil ng mas malaking TF.

* * *

Gagawin bukas, Sunday, ang 1st Nadine Samonte Badminton Tournament sa Rally Point Court, Biñan, Laguna. Hindi lang taga-Laguna ang sasali, meron ding taga-Batangas at Cavite.

vuukle comment

BABY JAMES

BING LOYZAGA

JAMES YAP

JANNO

JANNO GIBBS

KAKASA KA BA

KORINA

KORINA SANCHEZ

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with