^

PSN Showbiz

Kung makikipag-break kay Pops, Jomari hindi ugat ng problema

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang Fearless Promotions pala nina Jomari Yllana, Ronald Singson at Ryan Luis Singson ang magdadala kina David Cook at David Ar­chu­leta para sa back-to-back concert ng Ame­ri­can Idol (Season 7) winner at mahigpit nitong na­kalaban.

Sa May 16, gagawin ang concert at pinipili pa ang venue. Kapag nalibre sa taping ng Zorro, pupunta ng States si Jomari para makausap ang dalawa at ang kanilang mga managers para sa ibang detalye.

Muntik masulot kina Jomari ang pag­po-produce sa concert ng dalawang David dahil may ibang concert producer na nagka-idea rin, pero dahil ang Fear­less Promotions ang unang naka­isip, sila ang sinuwerte. Abangan na lang natin kung kailan ang nasabing concert.

Sa March 8 na pala ang airing ng Missing You concert nina Pops Fer­nandez at Martin Nievera sa GMA 7, ang first produced concert ng Fearless Promotions.

May kumalat na tsikang nagka­kalabuan sina Jomari at Pops, pero walang magsalita sa dalawa kung ano ang problema. Sa tamang panahon daw nagsa­salita si Jomari, pero tiniyak ng kampo nitong hindi sa kanya galing ang problema nila ni Pops. Ngayon pa lang, marami na ang nang­hihi­nayang kung sa break up matutuloy ang sina­sabing conflict sa relasyon nila.

Samantala, kinarir ni Jomari ang labas niya sa Zorro dahil nag-training siya sa isang fencing school at humingi ng mga tips kay Richard Go­mez na sumasali sa fencing competition. Hiniram din daw nito ang espadang ginamit ni Richard sa com­petition para mas ma-feel ang pakikipag-espadahan.

* * *

Kamukha lang pala ni Lester Llansang ang macho dancer na inakalang ang former child actor. Sa interview kay Lester sa Showbiz Central, nag­babanda pala siya at nagbebenta ng mga gamit ng mga kaibigan at kanyang pinapatungan. Ma­galing na actor si Lester at sana’y mabigyan ng another chance na muling mapanood sa pelikula at telebisyon.

Na-interview din ang macho dancer at kamukha talaga pala ng dating actor at kapangalan pa nito. Ang payo nito kay Lester, ’wag pansinin ang mga maling balita.

Ang hindi pa nadidiskubre ng mga TV reporters ay ang pagho-hosto ng isang young actor sa Japan. Dahil walang project dito, pumunta ng Japan ang guwapong actor na produkto ng reality show and obviously, nagi-enjoy ito doon dahil hindi pa umuuwi.

* * *

Excited si Mariz sa pagkasama sa cast ng Dapat Ka Bang Mahalin? bilang ina nina Kris Bernal, Jhake Vargas at Mike Tan dahil simula pa lang ng serye’y mapapanood na siya. Present din siya sa storycon, pictorial at presscon, kaya ang feeling nito’y artistang-artista siya.

Natutuwa sa kanya ang asawang si Ronnie Ricketts na sunud-sunod ang mga shows niya at nabanggit ng actress na gustong magkontrabida ng mister niya sa TV. Itinuro namin si German Moreno, sa TV host siya magpatulong at kunin na rin nilang manager ito.

Hindi muna itinuloy nina Mariz at Ronnie ang pagma-migrate sa States dahil high school pa lang ang dalawa nilang anak, ’pag college na lang ang mga anak sila maninirahan sa Amerika. Saka may trabaho pa sila rito, siya sa TV at si Ronnie sa real estate, may construction business at may binabalak idirek na indie film.

* * *

Sa Luna Mystika, susugurin ni Dexter (Mark Anthony Fernandez) sina Laminak, pero mabilis itong kumilos at biglang lumindol na ikinahulog ng binata. Maglalaban din ang mag-amang Simon (Ariel Rivera) at Celestina (Heart Evangelista).

Hihingin na ni Dexter ang kamay ni Luna (Heart) kina Simon at Diana (Rita Avila) at ibabalita ito ni Celestina kina Joaquin (Dante Rivero). May masamang plano sina Joaquin sa araw ng kasal ng dalawa.

vuukle comment

ARIEL RIVERA

CONCERT

DAHIL

DANTE RIVERO

DAPAT KA BANG MAHALIN

DAVID AR

FEARLESS PROMOTIONS

JOMARI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with