^

PSN Showbiz

'Hindi na shocking ang pagpapakasal ni Alma'

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Lumabas na pala ang March 2008 issue na may exclusive story tungkol sa kontrobersyal love affair nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

It’s a must na bilhin at basahin ang bagong issue ng YES dahil may mga bagong anggulo na nakalkal ang masipag na staff ng magazine.

Nakalkal dahil ang akala ko, lumabas na sa media ang lahat ng kuwento tungkol sa naunsyaming relasyon nina Mama Vicki at Hayden pero hindi pa pala. May mga bagong rebelasyon na nahukay ang mga writer ng YES.

Talagang nagtrabaho nang husto sina Jo-Anne Maglipon at Anna Pingol. Nag-overload na nga yata ang mga impormasyon na na-getsing nila mula sa kanilang malawak na research. Read n’yo.

* * *

Sa maniwala kayo o hindi, never akong na-shock sa balita na lihim na nagpakasal si Alma Moreno sa isang town mayor ng Mindanao.

Hindi na nga lihim ang kanilang civil wedding dahil marami na ang nakakaalam. Hindi shocking ang news dahil bata at maganda pa rin si Alma. Maraming lalake ang mahuhumaling sa kanya. Alma Moreno is Alma Moreno.

Kaya nga Loveliness ang tawag kay Alma dahil punumpuno ng pag-ibig ang kanyang katawan. Sayang naman ang pagmamahal niya kung walang makikinabang.

Sinusubukan ng Startalk staff na mainterbyu si Alma pero nakapangako na raw ito na magsasalita lamang siya kay Boy Abunda.

Kung hindi man magsasalita sa aming show si Alma, tiyak na may mga impormasyon na makukuha ang Startalk mula sa mga tao sa kanyang paligid. Anytime, puwedeng magpunta sa Mindanao ang Startalk staff para malaman ang totoong kuwento sa mhin na nagmamay-ari ngayon sa puso ni Bangenge.

Maraming puwedeng interbyuhin sa side ni Alma. Nandiyan ang kanyang mga anak na sina Mark Anthony at Vandolph. Ang kanyang mga ex-lover na sina Joey Marquez at Mang Dolphy!

Mukhang fetish ni Alma ang mga mayor. Dating mayor si Joey ng Parañaque City at ngayon, Mindanao mayor ang kanyang pinakasalan. Maging mayor na rin kaya siya, sa lalong madaling panahon?

* * *

Alive na alive at active ang fans nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Talagang sinuportahan nila ang pilot episode ng Paano Ba Ang Mangarap kaya mataas ang rating nito.

Lalong ginanahan na magtrabaho sina Mark at Jennylyn. Ayaw nilang madismaya ang kanilang fans kaya nag -promise sila na pagbubutihin ang pag-arte.

Nagpapasalamat ang dalawa sa kanilang loyal supporters at sa direktor na si Joel Lamangan na gina-guide sila para maging bonggang-bongga ang bawat episode ng Paano Ba Ang Mangarap.

* * *

May importanteng meeting ako noong Martes kaya hindi ako nakapunta sa presscon ng pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

Invited pa naman ako at  kung para kay Sarah ang presscon, talagang pinupuntahan ko dahil favorite ko siya.

Isang event lang ni Sarah ang hindi ko pinuntahan, ang Thanksgiving party niya para sa entertainment press dahil masyadong malayo ang venue.

Hindi man ako nakadalo sa presscon ng You Changed My Life, sisiguraduhin ko na panonoorin ko sa sine ang bagong pelikula ni Sarah na karapat-dapat tanghalin na Box-Office King. No offense kay AiAi delas Alas ha?

vuukle comment

ALMA

ALMA MORENO

ANNA PINGOL

BOX-OFFICE KING

BOY ABUNDA

MINDANAO

PAANO BA ANG MANGARAP

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with