^

PSN Showbiz

Katrina natakot magpa-drug test?

-

MANILA, Philippines - Uy, hindi raw nakasipot kahapon si Katrina Halili sa Camp Crame sa Quezon City kaya naudlot ang sana ay pagpapa-drug test niya.

Ang rason, masyadong marami ang kanyang appointment kaya hindi nakasama si Katrina kina Mark Herras at iba pang Kapuso stars na isinalang sa drug test sa Camp Crame.

Bukod kay Herras, sumalang din sa drug test sina Ryza Cenon, Iwa Moto, Rainier Castillo, Mike Tan, Kevin Santos, Gino dela Peña, Victor Aliwalas, Paulo Avelino, Prince Stefan, at Kaye Alipio.

Sila ang unang grupo ng mga kabataang artistang gi­nawan ng drug test. Inaasahang sa susunod na grupo ay makakasama na si Katrina.

Ang nasabing drug test ay sinaksihan mismo nina Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa, PNP Directorate for Community Relations Chief Director German Doria at iba pa.

Say ni Herras na ang pagtungo nila sa Camp Crame ay bilang suporta sa drug test ng PNP at upang patunayan na malinis sila sa droga.

“Nandito po kami ngayon para ipakita na good example tayo, sumusunod sa batas, para malinawan sila na malinis po kami sa droga,” pahayag ng aktor sa panayam kahapon.

Sinabi naman ni Puno na unang batch pa lamang ng mga artistang sasailalim sa drug test ang grupo ni Herras at inaasahan nilang marami ang susunod.

Agad nilang isasapubliko ang resulta ng drug test ng nasabing mga artista.

Sa panig naman ni Mr. Archie Baltazar ng GMA Network, sinabi nito na ang pagboboluntaryo ng kanilang mga kabataang artista na sumailalim sa drug test ay upang patunayang malilinis ang mga ito laban sa bawal na gamot .

Idinagdag pa ni Baltazar na ultimong ang lifestyle ng kanilang mga artista ay mahigpit nilang mino­monitor upang matiyak na hindi ang mga ito nagugumon sa bawal na droga. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARCHIE BALTAZAR

CAMP CRAME

COMMUNITY RELATIONS CHIEF DIRECTOR

DRUG

GERMAN DORIA

HERRAS

IWA MOTO

JESUS VERZOSA

TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with