^

PSN Showbiz

Tatay ni Jolina inoperahan

- SEEN SCENE -

Seen :  Natalo sa 2009 Mr. Gay World si Wilbert Tolentino ng Pilipinas ngunit siya ang nanalo na Mr. Popularity dahil sa Internet voting. Tinalo si Wilbert ni Max Krzyzanowsk ng Ireland.

Scene : Hindi puwedeng isali sa MMFF 2009 ang bagong Panday movie ni Bong Revilla kung itutuloy nito ang kandidatura sa pagka-senador sa 2010. Hindi na maaaring lumabas  sa telebisyon at pelikula ang mga nagbabalak na kumandidato mula December 15, 2009 hanggang magwakas ang eleksyon.

Seen : Si Mr. Jun Magdangal sa St. Luke’s Hospital dahil sa kanyang gall-bladder operation. Nasa tabi ni Daddy Jun ang anak na si Jolina Magdangal at ang kanyang buong pamilya. Solid na solid ang Magdangal Family sa oras na kailangan nila ang isa’t isa.

Scene :   Hindi mapapanood ng buo sa TV ang Missing You concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera. Maraming eksena ang dapat alisin sa concert na tumagal ng tatlong oras at 15 minuto.  Imposibleng ipakita pa ang pagpapasalamat nina Pops at Martin sa ABS-CBN. Ang GMA 7 ang maglalabas sa TV ng concert.

Seen :  Si Hero Angeles ang love interest ni Jennylyn Mercado sa Paano Ba Ang Mangarap. Suporta si Hero ng loveteam nina Jennylyn at Mark Herras ngunit siya ang dating mahigpit na karibal ng aktor. Si Hero ang unang winner ng Star Circle Quest, si Mark ang male survivor ng Starstuck 1.

Scene : B ang rating na ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa When I Met U, ang Valentine’s movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Seen : Nawawala ang boy-next door look ni Sam Milby. Dapat na niyang i-reinvent para magtagal pa ang kanyang showbiz career.

BONG REVILLA

CINEMA EVALUATION BOARD

DADDY JUN

JENNYLYN MERCADO

JOLINA MAGDANGAL

MAGDANGAL FAMILY

MARK HERRAS

MARTIN NIEVERA

MAX KRZYZANOWSK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with