^

PSN Showbiz

Kristine Hermosa naudlot din ang pagiging Kapuso

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natukoy na ang Kapuso actress na balak isama sa cast ng soap nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo. Malaking balita nga kung natuloy ang actress sa project, pero ang malaking hadlang para mapigil tanggapin ng actress ang offer ay may kontrata siya sa GMA 7 at GMA Films. Itinanggi na rin naman ng actress na lilipat siya sa ABS-CBN dahil sa mga pinirmahan niyang kontrata and in fairness, hindi siya pinababayaan ng Channel 7.

Malaking isyu rin kung natuloy si Kristine Hermosa sa Channel 7. Tinawagan siya ng isang top executive ng network at tinanong kung okey siyang magtrabaho sa Siete. Inalam nito kung anong project ang ibibigay sa kanya at sinabing leading lady roles ang ibibigay.

Sagot daw ni Kristine, magtatanong siya sa Channel 2 kung may gagawin siyang projects at nalamang gagawin niya ang remake ng Maruja at may balik-tambalan pa sila ni Jericho Rosales, kaya hindi na pinursige ng Channel 7 executive na aluking lumipat.

Maganda sana kung natuloy si Kristine sa Siete at ang magaling na actress ng GMA 7 sa Channel 2, pero malabong mangyari’t hindi sila parehong bibita­wan ng kani-kanyang home network.

* * *

Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung saan unang eere sa mga bagong soap ng GMA 7 at sa February 9 na ito, kapalit ng Lalola na extended for one week. Bukod sa kissing scenes ng dalawa, isa pang aabangan sa serye ay ang pagtu-two-piece ng actress. Joyce Bernal directs!

Sa February 23, naman ang pilot ng Totoy Bato nina Robin Padilla at Manny Pacquiao with Regine Velasquez, Eddie Garcia at napakaraming cast. Aabot sa airing ng soap ang birthday special ni Regine sometime in April na may tentative title na Songbird Soars.

Kundi last week ng April, first week ng March ang Zorro ni Richard Gutierrez na ididirek nina Dominic Zapata at Mark Reyes. Dalawa ang leading ladies dito ni Richard at kasama siya sa pipili sa mga nag-audition. Hindi binanggit ni Ms. Redgie Magno ang mga managers ng ABS-CBN talents na nag-inquire sa audition, basta ang sinabi niya, umapir sila sa audition.

Sigurado na ring si Mark Anthony Fernandez ang pag-aagawan nina Iza Calzado at Sunshine Dizon sa All About Eve, ito ang kasunod na soap ng actor after Luna Mystika.

Sa February 8, na ang pilot ng My Dad is Better Than Your Dad, palit ng Family Feud Celebrity Edition at host si Paolo Contis. Ang Cool Center naman ang papalit sa Nuts Entertainment with Anjo Yllana hosting at isang female host na pinipili pa.

Hosts naman sina Ogie Alcasid at Michael V ng Hole in the Wall na papalit sa Family Feud. Hosts sila bilang sina Angelina and her Yaya at sa April pa ito eere.

* * *

Nakausap namin si German Moreno sa presscon ng GMA Network sa announcement ng mga bago nilang shows for 2009. Ibinalita ng TV host na magsi-celebrate ng anniversary ang Walang Tulugan sa February 7, pero hindi niya alam kung maggi-guest si Billy Crawford.

Nagkita na uli sina Kuya Germs at Billy after dumating ang huli sa Walang Tulugan sa selebrasyon ng anniversary ng That’s Entertainment na mapapanood mamaya. Nag-dinner ang TV host with Billy at ang parents nito last Tuesday sa isang Japanese resto sa Greenhills dahil babalik na sa Texas ang mga magulang ng binata.

Hindi pa rin masabi ni kuya Germs kung babalik sa GMA 7 si Billy at ang alam niya, may project pa rin ito sa ABS-CBN kahit per project ang kontrata. Natawa kami sa sinabi ni Kuya Germs na hayaan na lang si Billy kung saan masaya.

vuukle comment

AKING TADYANG

ALL ABOUT EVE

ANG BABAENG HINUGOT

ANGEL LOCSIN

ANJO YLLANA

BETTER THAN YOUR DAD

KUNG

KUYA GERMS

SA FEBRUARY

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with