^

PSN Showbiz

Bernard Palanca certified Kapuso na!

RATED A - Aster Amoyo -

Tiyak na marami ang maninibago kapag napa­nood nila si Bernard Palanca sa Gagambino na pinag­bibidahan ni Dennis Trillo.

Si Bernard ay identified sa ABS-CBN kung saan siya nagsimula at nagkapangalan pero dahil matagal na siyang walang project sa kanyang (dating?) home studio, welcome kay Bernard ang bago niyang role sa Gagambino na napapanood naman sa Kapuso network.

Si Bernard ay may isang anak sa kanyang ex-wife (of several months) na si Meryll Soriano.

Marami-rami na ring mga Kapamilya stars ang nasa bakuran na ngayon ng Kapuso network tulad nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Pauleen Luna, JC de Vera, Eula Valdez, Jean Garcia at iba pa.

* * *

Ang suwerte naman ni Charice Pempengco kapag natuloy ang kanyang performance sa inauguration ni US President-elect Barrack Obama at ito’y mangyayari dahil kay Oprah Winfrey na isa sa mga strong supporters ng bagong US president.

Aware ang lahat na si Charice ay paborito ni Oprah at ito ang gumagawa ng paraan na makapag-perform ang Pinay singer sa mga okasyong hindi nito inaasahang mapupuntahan.

Napakasuwerte talaga ni Charice!

* * *

Naging malaking balita ang magkasunod na pag­yao nina Marky Cielo at Didith Reyes nitong nakaraang Disyembre pero bago nagtapos ang taong 2008 ay humabol pa ang dating mag-sweetheart na sina Drs. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na nagkahiwalay dahil umano kay Katrina Halili. Siguradong aabot pa ng 2009 ang intriga tungkol sa breakup nina Vicki at Hayden at kasama si Katrina sa pinag-uusapan ngayon.

May mga nagsasabi na malamang daw na tanggapin muli ng doktora ang kanyang ex-boy­friend dahil mahal niya ito lalo’t nagsisisi umano ito sa kanyang ginawang pagtataksil.

Sa totoo lang, dahil sa ginawa ni Hayden, naging talk of the town siya. Ano kaya ang reaction dito ng pamilya ni Hayden lalo na ng kanyang mga magu­lang na sa pagkakaalam namin ay parehong doctor?

* * *

Mula sa amin sampu ng aming mga kasamahan sa PSN, ang aming malugod na pagbati na Manigong Bagong Taon! Sana’y maging masigla at mapayapa ang bagong taon sa ating lahat.

o0o

Email:   [email protected]

vuukle comment

BARRACK OBAMA

BERNARD PALANCA

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

DENNIS TRILLO

DIDITH REYES

EULA VALDEZ

GAGAMBINO

HAYDEN

SI BERNARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with