^

PSN Showbiz

Marian napaiyak ni Karylle!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nabalitaan ko agad ang pag-iyak ni Marian Rivera sa presscon kahapon ng Desperadas 2.

Cry me a river si Marian dahil na-hurt siya sa hindi pagsagot ni Karylle nang tanungin ito ni Boy Abunda sa The Buzz kung totoo na buntis si Marian.

Ang sey ni Marian, na-offend siya sa naging reaksyon ni Karylle dahil hindi ito sumagot at nag-smile lang. Nagpapakontrobersyal daw si Karylle.

Panay ang kulit sa akin ni Mother Lily (Monteverde) na pumunta ako kahapon sa presscon ng Desperadas 2 para suwertehin daw ang kanyang pelikula.

Mabuti na lang, hindi ako nagpunta or else, baka hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin ang aking opinyon. Hindi nagpapakontrobersyal si Karylle ’noh! Kung may karapatan si Marian na umiyak sa presscon, may karapatan din si Karylle na gawin ang gusto nito.

At kung true man na buntis si Marian, lucky siya dahil siguradong magiging maganda ang baby. Ang kaso, hindi siya buntis!

Basta ako, masaya sa mga nangyayari ngayon sa career ni Karylle. Ang seksi-seksi niya sa mga poster ng Bench Body. Obvious ba na love na love ko si Karylle?

* * *

Nakakaloka ang rating ng Startalk noong Sabado. Pang-primetime ang 22% rating ng aming show.

Talagang inabangan ng mga tao ang tribute namin kay Marky Cielo. Inilibing na kahapon si Marky sa Mountain Province at ipinakita kagabi sa 24 Oras ang paglilibing sa kanya.

Mabuting anak at kaibigan si Marky. Tiyak na mami-miss siya ng pamilya at mga kaibigan niya na hindi pa rin matanggap ang kanyang pagpanaw. Rest in peace Marky. Maraming salamat sa dalawang taon na pananatili mo sa showbiz dahil pinaligaya mo ang iyong mga tagahanga.

* * *

Malaki ang posibilidad na matuloy ang project ni Mother Lily para kina Manny Pacquiao at Chris Tiu.

Type ni Mother na ipag-produce ng pelikula ang dalawang host ng Pinoy Records at ang balita ko, may plano si Mother na pagsamahin sa isang movie project sina Manny at Chris.

 Love na love ni Manny si Chris. Parang kapatid ang trato niya sa co-host niya sa Pinoy Records.

Pinayagan na raw si Chris ng kanyang mga magulang na mag-Pasko at Bagong Taon sa Amerika, sa piling ni Manny at ng pamilya nito. First time yata ni Chris na mawalay sa kanyang pamilya sa araw ng Pasko at Bagong Taon.

* * *

Na-miss ko ang Christmas party ng GMA 7 para sa press people. Nag-win ako sa raffle draw pero forfeited ito dahil hindi nga ako dumalo sa Christmas party.

Limpak-limpak na salapi ang ipina-raffle ng Kapuso network. Nag-share sila ng mga blessings sa press people dahil consistent sa pagiging number one ang GMA 7.

Walang umuwing luhaan dahil unforgettable ang bonggang-bonggang Christmas party ng GMA 7.

vuukle comment

BAGONG TAON

BENCH BODY

BOY ABUNDA

CHRIS

CHRIS TIU

KARYLLE

MARKY

MOTHER LILY

PINOY RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with