^

PSN Showbiz

Bagong album ni Bonggo

-

Pagkatapos ng certified gold debut album ni Olongapo City Mayor James Bong Gordon, Jr. na kilala sa lugar nila bilang si Bonggo, eto at may ilalabas na siyang ikalawang album na ang pamagat ay Deep Inside My Mind.

Hindi alam ng karamihan na bago pumasok sa pulitika si Bonggo, kumakanta na siya sa banda niya bilang bokalista, gitarista at composer. At noong estudyante pa lang siya sa Ateneo ay miyembro na siya ng Glee Club nila.

Sa bago niyang album, pito ang sinulat niya sa siyam na kantang nakapaloob na sinasabi niyang alay niya sa bayan niyang Olongapo. Isa raw itong pagla­larawan ng disiplina, ideya at pagkakaisa na patungo sa progreso. Karapat-dapat daw ang mga natamong parangal ng Olongapo sa loob ng mga nakaraang taon.

Ang mga kanta sa Deep Inside My Mind ay BonGAPO, You Say, Nowhere to Go, Subik, Bayan Kong Olongapo, Give Me Feedback, Yesterday Don’t Matter at ang bonus na Christmas song na Para sa Iyo ang Pasko.

May track din na Deep Inside My Mind ang pamagat tulad ng album title at ang carrier single ay ang You Say na pinapatugtog na sa mga radio stations.

Ang album ay inilabas ng Gawang Gapo Music at ipinamamahagi sa buong Pilipinas ng Viva Records.

vuukle comment

BAYAN KONG OLONGAPO

BONGGO

DEEP INSIDE MY MIND

GAWANG GAPO MUSIC

GIVE ME FEEDBACK

GLEE CLUB

OLONGAPO

OLONGAPO CITY MAYOR JAMES BONG GORDON

VIVA RECORDS

YOU SAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with