^

PSN Showbiz

Aktor galing na sa bituka ang baho ng hininga

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Masyadong naliligalig ngayon si Becky Aguila, may nagte-text sa kanya ngayon na ang palaging sinasabi, “Mag-ingat ka, may nagpapapatay sa iyo.”

Kung bakit naman tumiyempo ang mensaheng ‘yun sa pagpaslang sa lola ni Pauleen Luna, hindi man niya sinasabi ay ninenerbiyos si Becky, pero iba naman ang basa namin sa mga ganung mensahe.

Kung ang gustong mangyari ng nagte-text ay palabasing nanggagaling ang mensaheng yun sa kampo ng dating road manager ni Jennylyn Mercado na si Mel Pulmano ay hindi ito nag-iisip.

Hindi yun gagawin ngayon ng kampo ni Mel, dahil anumang aksiyon na laban kay Becky ay iisipin ng lahat na manggagaling sa kanya lang, meron lang sigurong galit kay Becky na nakikisaw­saw sa isyu.

Meron lang sigurong ‘nagbibiro’ kay Becky, alam lang siguro ng texter na yun na kapag natetensiyon si Becky ay nagpapaospital agad siya, pinakakaba lang siya ng duwag na texter na ‘yun na hindi nagpapakilala.

Nakaalis na si Jennylyn, nasa Amerika na ito ngayon, iniaayos naman ni Becky ang personal niyang demanda laban kay Mel. Nagugulantang ang manager dahil ang dami-dami nang sulat ng paniningil na dumarating sa kanyang opisina.

Meron pang ghost staff siyang lumalabas ngayon, nangutang din ang taong ‘yun na ang ibinigay na address ay ang kanyang opisina, ‘yun ang dahilan kung bakit naniniwala sila ni Jennylyn na hindi isang tao lang ang tumatrabaho sa kanila.

Dalawa-tatlong tao ang pinaghihinalaan nilang nagkutsaba para sa mga pineke nilang pirma, inaalam na nila ngayon kung may relasyon kay Mel ang mga pangalang sinisingil ng iba’t ibang tao, aalamin din nila kung posibleng may kinausap si Mel sa mismong banko ni Jennylyn para makalusot ang mga tseke ng aktres na forged lang ang signature.

Aminado si Becky na napakalaking abala sa kanyang buhay ngayon ang kanyang pinagda­daanan, lugar na madadalaw na niya ang kanyang inang may cancer sa Amerika ay hindi niya ‘yun magawa, dahil kailangan niya munang magsampa ng asunto kay Mel Pulmano bago siya makaalis.

Pero matindi ang kanyang pinanghahawakan, “God is watching, the truth will prevail at the right time. Mahaba lang ang time, pero definitely, lalabas din ang katotohanan.”

* * *

Nagtatanungan ang ilang magkakasamang aktres nung minsan kung paano raw kaya natata­galan ng isang aktres ang mabahong hininga ng kanyang boyfriend. Katwiran ng isa ay natatalo raw ‘yun ng sobrang pagmamahal ng aktres sa lalaki, kaya gaano man inirereklamo ng iba ang bad breath nito, para sa aktres ay balewala lang yun.

May isang kaibigang TV host ang aktor na ito na nagsasabing noon pa man ay sinasabihan na nitong magpa-check-up ang aktor dahil wala naman sa mga ngipin nito ang problema dahil puro buo, kundi nasa kanyang bituka na.

“Pero he didn’t listen to me, ang akala niya siguro, nagbibiro lang ako. Pero talagang hindi magan­da ang amoy ng breath niya, nakakasakit ng ulo,” sabi ng TV host sa isa nitong kasamahan.

Kahit ang mga reporters na nag-interbyu kamakailan sa aktor ay sumumpa, sobrang baho talaga ng kanyang hininga, hindi mailarawan ng mga ito kung anong klaseng amoy ang ihahambing nila sa bad breath ng aktor.

Sa tanong kung paano ‘yun natitiis ng kanyang girlfriend ay isa lang ang nasabi ng mga ito, “Ang pag-ibig nga naman, masyadong makapangyarihan at mahiwaga.

“Kahit bad breath, e, titiisin, huwag lang silang magkahiwalay,” sabi ng mga reporters.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

BECKY

JENNYLYN

KANYANG

KUNG

LANG

LSQUO

MEL PULMANO

YUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with