^

PSN Showbiz

Santa Santita at iba pang pelikula sa TV5

-

Tutok na sa tapat ng mga TV n’yo ngayong linggo sa 5MAX Movies ng TV5 dahil iba’t ibang klaseng bida ang mapapanood dito. May rapper, dancer, singer, ex-chief officer, mag-ex-jowa, isang kyut na baboy, at isang santa santita.

Mapapanood ngayong Linggo ang istorya ng isang makamundo at makasalanang babaeng magbabagong-buhay at paniniwala sa Santa Santita, starring Angelica Panganiban.

Ngayong Lunes (Nobyembre 3) mapapanood n’yo ang paborito n’yong rapper na si Eminem sa 8-mile bilang isang rapper na mahusay nga, ngunit maraming problema. Ngunit mas malaki ang problema ni Sylvester Stalone sa Daylight dahil mag-isa niyang ililigtas ang mga tao na na-trap sa loob ng isang gumuhong tunnel. Panoorin ang kanyang pagpapaka-bayani sa Martes ng gabi (Nobyembre 4).

Makikanta naman sa mga ambisyosang pop idol sa American Dreamz na palabas sa Miyerkules (Nobyembre 5) at makisayaw at maki-giling naman sa Huwebes (Nobyembre 6) kay Jessica Alba bilang isang magaling at seksing choreographer sa pelikulang pinamagatang Honey.

Samantala, saksihan ang mala-aso’t pusang pagbabangayan at lambingan ng mag-ex-syota na sina Jennifer Aniston at Vince Vaughn sa The Break-Up, Biyernes (Nobyembre 7).

Mahalina sa alindog at ganda ni Angelica Panganiban, at makunsensya sa lahat ng inyong mga kasalanan sa Santa Santita na palabas ngayong Sabado (November 8). Isang makasalanang babae si Malen (Angelica) ngunit may mangyayaring di niya inaasahan, kung saan malalaman niyang isa pala siyang mahiwagang pagpapala sa mga taong ipinagdarasal niya.

Matapos ang Santa Santita, mapapanood naman kinabukasan, Linggo (Nobyembre 9) ang kyut at lakwatserong baboy na si Babe, na bibisita sa siyudad para kumita ng pera sa Babe: Pig In The City.

Mag-enjoy at ma-inspire sa iba’t ibang klaseng pagkabayani ng ating mga bida sa 5MAX Movies gabi-gabi ngayong linggo, 8 p.m. sa TV5.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ISANG

JENNIFER ANISTON

JESSICA ALBA

LINGGO

NGAYONG LUNES

NOBYEMBRE

PIG IN THE CITY

SANTA SANTITA

SYLVESTER STALONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with