Singer-comedienne biglang nalaos, Show nilangaw!
Naawa ang isang reporter sa singer-comedienne na nagkaroon ng show sa isang comedy bar sa Kyusi. Sa laki ng venue, five tables lang ang okupado ng mga customers at mas marami pa ang mga waiters. Late na nag-start ang show thinking na may papasok pang tao, pero hanggang natapos ang show, hindi nadagdagan ang nanood sa singer-comedienne.
Parang kailan lang na sikat na sikat ang singer-comedienne at laging SRO ’pag siya’y nagsu-show. One wrong move at bigla siyang nabura sa kamalayan ng tao. Sayang dahil magaling na singer at komedyana ang tinutukoy namin, pero paano ito malalaman kung wala nang nanonood sa kanya?
Kailangang magkaroon uli ng regular TV show ang singer-comedienne, mas mabuti kung noontime show para malaman ng tao na narito na uli siya.
* * *
Natawa si Judy Ann Santos sa tsismis na-insecure sa kanya si Angelica Panganiban dahil puring-puri siya ng boyfriend nitong si Derek Ramsay, kaya nag-enroll na rin ng culinary studies ang young actress. After a long time, ngayon lang uli nabalitang may na-insecure at nagselos kay Judy Ann, kaya naaliw ito.
Sabi ni Judy Ann: “ If ever she took up culinary, I’m happy for her, at least naka-inspire ako. Hindi naman siguro dahil sa insecure o nagseselos siya sa akin. Baka gusto lang ng bata na magdagdag ng kaalaman o gusto niyang matuto. Ako nga ang dapat ma-insecure sa kagandahan ng dibdib ng batang yun! Hindi rin ako naniniwalang nagseselos siya, ang ganda-ganda niya para magselos.”
Magkasama sina Judy Ann at Derek sa soap ng ABS-CBN na Humingi Ako sa Langit na sa January next year pa raw ang airing. Nabanggit ni Judy Ann na dumadalaw si Angelica sa set at wala siyang nakitang masama sa ginagawa nito. Na-appreciate rin niya na lagi siyang binabati ni Angelica ’pag dumarating sa taping.
Dahil may libreng oras, bumalik si Judy Ann sa culinary studies niya at nag-enroll ng advanced Asian course sa CACS o Center for Asian Culinary Studies. Pero, hinahanda na ng Regal Entertainment ang movie nila ni Ryan Agoncillo, her next movie after Mag-Ingat Ka sa Kulam nila ni Dennis Trillo.
* * *
Nang mag-guest sa Showbiz Central si Ogie Alcasid at sumalang sa lie detector test, lumabas na nagsinungaling ito sa sagot na “hindi” sa tanong kung nagseselos siya sa maraming halikan ng dyowang si Regine Velasquez at Mark Anthony Fernandez sa Ako si Kim Sam Soon ng GMA 7.
Ibig sabihin nagseselos siya’t marami at mahahaba nga naman ang halikan nina Regine at Mark. Inamin din ni Mark na naiilang siya kay Ogie at hiyang-hiya siya ’pag nagkikita sila.
Sa ending mamaya ng Ako si Kim Sam Soon, ikakasal sina Sam Soon (Regine) at Cyrus (Mark Anthony) at sa mahaba at passionate kiss magtatapos ang kanilang love story.
- Latest




















