^

PSN Showbiz

Movie nina John Lloyd at Sarah Graded A ng CEB

-

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang A Very Special Love nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na palabas simula ngayong araw.

Majority sa members ng CEB na nag-review ng pelikula ay puring-puri ang acting ni Sarah. Say nga ng isa: “Magaling si Sarah kasi hindi pa siya nagwo-workshop,” sabi ng member na kilala sa pagiging metikuloso sa panonood ng pelikula.

Uy in fairness kasi kay Sarah, may timing siya sa pag-arte at alam na alam niya ang role bilang isang newly graduate na nagtrabaho sa isang men’s magazine na ang boss (John Lloyd) ay super crush niya simula pa noong ma-interview niya noong nag-aaral pa siya sa college.

Timing naman na nang araw na maga-apply siya ay nag-walk out ang mga staff ng magazine kaya nang makita agad siya ni John Lloyd ay agad siyang na-hire.

Basta maganda ang story at may substance. Hindi mo aakalaing ganun ang pelikula na dinirek ni Cathy Molina for Star Cinema and Viva Films.

At si Sarah ha, parang feel niya yung role. Na-justify niya yung pagiging in love niya kay John Lloyd sa pelikula.

Hmmm, siguro kung wala lang girlfriend ang aktor malamang ma-in love nga sa kanya ang singer/actress.

Perfect material ang movie for Sarah na matagal-tagal din ang hinintay bago natuloy ang launching movie na ‘to. Marami pa siya nung na-sacrifice na offer sa abroad para lang magawa ang A Very Special Love na hindi na nga natuloy ang second presscon dahil hindi agad natapos ang pelikula.

Actually, hindi lang kiligan factor ang movie. May part na iyakan din.

At bagay sa bagong hair style ni John Lloyd sa role niya. Parang sinadya yatang mag-iba ang actor sa pelikulang ito. Dati kasi pinipintas-pintasan siya sa nasabing buhok, yun pala ok naman.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

CATHY MOLINA

CINEMA EVALUATION BOARD

GRADED A

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with