Mark pumirma ng panibagong kontrata
Bago pa man mag-expire ang one year contract ni Mark Bautista bilang celebrity endorser ng Le Froge ay pinapirma ulit siya na panibagong kontrata ng pamosong fashion brand.
Super happy kasi ang owners na sina Jun at Marlene Go sa naging response ng kanilang buyers simula nang maging image model si Mark ng nasabing produkto. Naging more than double daw kasi ang kanilang sales kaya mabilis na napabilang ang Le Froge sa mga most saleable brands sa lahat ng SM at Robinsons Malls nationwide.
Kaya maging si Mark ay hindi nag-dalawang isip na pumirma ng panibagong kontrata dahil masaya siya sa mga damit na ipinasusuot sa kanya.
Ngayong taon nga pala ang celebration ng 20th anniversary ng Le Froge. In line with this ay ilo-launch nila ang kanilang first–ever denimwear lines at ang kanilang black label series. Magbubukas din sila ng mga bagong outlets sa SM Marikina, SM Cagayan de Oro, SM Harrison at SM Baliuag.
Bahagi rin ng kanilang 20th anniversary ay ang planong free concert ni Mark at ang ilang Meet and Greet sessions sa mga piling SM at Robinsons Malls. Ito ay bilang pasasalamat sa dalawangpung taong suportang ibinigay sa kanila ng kanilang mga loyal buyers.
Mamimigay din ang Le Froge ng free CD ng latest album ni Mark na pinamagatang I’ll Be The One sa mga bibili ng more than P500 sa mga regular items simula August 1 hanggang August 31.
- Latest




















