^

PSN Showbiz

‘Ayokong mabuwisit  sa mga naninira sa akin’ - Annabelle Rama

-

Tahimik lang si Bisaya (Annabelle Rama), pero aware siya na may naninira sa pelikula niyang My Monster Mom.

Alam ni Bisaya na may nagkakalat ng text message na super flop diumano ang kanyang ‘kembek’ movie.

Noong una pa lang ay gusto nang mag-react ni Bisaya, pero pinipigilan siya ni Jun Lalin.

“Tita, alam mo naman na may mga kaaway ka, kaya natural lang na may manira sa pelikula mo. Hindi nila matanggap na nakapag-comeback ka, kumita pa ang My Monster Mom. I’m sure, marami riyan ang shocked dahil bukod sa pinagkatiwalaan ka ng Regal Entertainment, nakipag-co-prod pa ang GMA Films para sa comeback movie mo!” paliwanag niya kay Bisaya.

 Kalmado nga lang si Bisaya kaugnay ng paninira sa box-office result ng kanyang pelikula.

Pati nga si Leo Dominguez (manager ni Ogie Alcasid) ay nag-dialogue na bakit magre-react si Bisaya, eh, palagi namang puno ang mga sinehang pinagtatanghalan ng My Monster Mom.

Pero lately nga ay tumitindi ang mga paninira sa My Monster Mom. Pati ako ay nakatanggap ng email na nagsasabing super flop ang “kembek” movie ni Bisaya, dagdag ni JL.

“Ayoko nang mag-react. At least napatunayan ko sa sarili ko na tanggap ng mga tao ang pagbabalik-pelikula ko. Kung sinasabi nilang number two lang ako sa Hancock ni Will Smith, salamat naman at nag-number two pala ako at kay Will Smith pa nila ako kinumpara. Aba, malaking karangalan sa akin na ka-level ko na pala si Will Smith.

“Kahit sabihin pa nilang tinalo ni Will Smith ang My Monster Mom, hindi ako galit. Happy ako sa kinita ng My Monster Mom. Kumita talaga siya sa takilya at happy din ang Regal at GMA Films.

“Masaya ako na nababalitaan ko na masaya ang mga taong nakapanood ng My Monster Mom, kaya sana naman ‘yung mga hindi pa nanonood, eh, manood na,” sabi pa ni Bisaya.

 Aminado si Bisaya na marami siyang kaaway, kaya natural lang daw na may mga naninira.

 “Imbes na intindihin ko at mabuwisit ako sa mga naninira sa My Monster Mom, magpapasalamat na lang ako sa mga taong nanood ng pelikula ko.

 “Hindi ko papatulan ‘yung mga naninira sa pelikula ko dahil matutuwa lang sila. Wala akong panahon sa kanila!” madiing pahayag ni Bisaya.

 Samantala, kahit may mga naninira sa My Monster Mom, may movie offers ngayon kay Bisaya. Hindi nga lang niya basta matanggap ang mga ‘yon dahil kapipirma lang niya ng exclusive contract kay Mother Lily Monteverde. (JL)

vuukle comment

AKO

BISAYA

LANG

MY MONSTER MOM

WILL SMITH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with