^

PSN Showbiz

Deal or No Deal babalik sa ere

-

Mapapanood ngayong Linggo (June 22) ang ipinagmamalaking Deal Or No Deal—Around the World episode na ginawa pa dito mismo sa Pilipinas, 10:00 PM sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Abangan ang pagsasanib puwersa ng game show queen na si Kris Aquino at DOND USA host na si Howie Mandel sa isang two-hour special kasama ang dalawang American contestants na maglalaro para manalo ng US$1 million.

Tunghayan ang pagdating ni Howie sa bansa at ang makukulit niyang adventures tulad ng pagsakay sa pedicab, pagpunta sa Quiapo at pagiging isang promo boy sa supermarket.

Talaga namang namangha sina Howie at ang Endemol USA sa galing nating mga Pinoy sa taping na ginanap noong April 24. Pawang papuri rin ang kanilang binitawan lalung-lalo na sa ginawang paghataw ng 26K girls sa kanilang rampa at ang masaya, napaka-lively, at humahataw din na studio audience.

“Here in the Philippines, the people party!” sabi ni Howie.

Lubusan naman itong ikinatuwa ng Business Unit Head na si Alou Almaden pati na rin ang naging mainit na pagtanggap ng milyun-milyong American viewers nang ipalabas ang nasabing special sa kanilang lugar via NBC noong May 5.

“Isa talagang malaking karangalan sa bansa na makapag-produce ng world class na palabas at isa na rin itong patunay sa husay at pagkamalikhain ng mga kasamahan ko dito sa ABS-CBN,” sabi ni Alou.

Ito rin ang magpapasimula sa panibagong kampanya ng ABS-CBN na “Panalo Bawat Pilipino” para sa matagumpay nitong mga game shows na di lang nakapag­bigay-aliw sa mga manonood, kundi nakapagpabago pa ng buhay ng mga players nito.

Ang Pilipinas ay isa lamang sa tatlong bansang napili para sa world tour ng DOND USA. Ito ay prinodyus ng ABS-CBN sa ilalim ng unit ni Almaden kasama si Bobet Vidanes bilang director at Morly Nueva bilang executive producer.

Huwag palalampasin ang Deal or No Deal—Around the World ngayong gabi. Abangan na rin ang nalalapit na pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal ngayong taon.

vuukle comment

ABANGAN

ALOU ALMADEN

ANG PILIPINAS

AROUND THE WORLD

HOWIE

NO DEAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with