^

PSN Showbiz

Rufa Mae misteryosang humabol sa libing

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kilala ko na ang misteryosang babae na humabol sa libing ni Rudy Fernandez noong Huwebes. Siya ay walang iba kundi...si Rufa Mae Quinto!

Hindi na nakaabot si Rufa Mae sa 1:00 pm mass para kay Daboy dahil nanggaling pa siya mula sa London.

Absent si Rufa Mae sa Showbiz Central noong Linggo. Limang araw siyang nawala dahil sa kanyang show sa London. Mula sa airport, dumiretso si Rufa Mae sa The Heritage Park pero naipasok na sa nitso ang labi ni Daboy nang dumating siya.

Nagkasama sa pelikulang Hula Mo, Huli Ko noong 2002 sina Daboy at Rufa Mae.

* * *

May sagot ako sa tanong ni Angelica kung nakiramay ba raw si Willie Revillame sa mga naulila ni Daboy?

Oo ang sagot ko, Dumating si Willie sa burol noong Huwebes ng umaga bago siya nagpunta sa studio ng Wowowee.

Puting polo ang suot ni Willie at nakunan ng mga kamera ng Boy & Kris at Sis ang kanyang pagdating sa funeral chapel.

* * *

Hindi na ako lumabas ng bahay noong Biyernes dahil maghapon akong natulog.

Hindi ko na napuntahan ang presscon ng Gran Matador para kay Dingdong Dantes.

Si Dingdong ang bagong endorser ng Gran Matador at in fairness, talagang favorite drink niya ang Gran Matador.

Hindi ko na rin napuntahan noong Biyernes ang misa para kay Daboy na ginanap sa bahay nila sa White Plains.

Hindi na ako sanay magpuyat kaya pahinga to the max at ngayon ang Father’s Day kaya gusto kong batiin ang lahat ng tatay ng “Happy Father’s Day,” pati na rin si Daboy na nasa piling na ng ating “Ama.”

* * *

Sa sobrang pagod at puyat, nalito na ako sa pagsusulat. Hindi ko pinangarap na magtampo sa akin si Alma Moreno dahil sa balita na hindi siya nakita sa libing ni Daboy.

Nandoon si Alma. Iyak nga siya nang iyak at panay ang bilin niya kay Daboy na huwag pabayaan ang kanilang anak na si Mark Anthony Fernandez.

Isa si Alma sa mga unang pumunta sa The Heritage Park nang dalhin dito si Daboy, ilang oras pagkatapos nitong malagutan ng hininga.

Halos araw-araw si Alma sa burol ni Daboy at iyak siya nang iyak nang magsalita si Mark sa necrological service para  kay Rudy.

* * *

Balik-taping si Mark sa Ako Si Kim Samsoon. Isa siya sa mga kapareha ni Regine Velasquez sa bagong primetime show ng GMA 7.

Happy si Mark dahil maganda ang takbo ng kanyang career. Hindi na siya nabakante mula nang magkaroon ng mga regular show sa Kapuso network.

Ang Impostora ang unang primetime show ni Mark sa GMA 7, sinundan ito ng Kamandag at ngayon nga, ang Ako Si Kim Samsoon na malapit nang mag-umpisa.

vuukle comment

CITY

DABOY

GRAN MATADOR

PLACE

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with