^

PSN Showbiz

Yasmien, dudurugin ang mga nang-aapi sa kanya!

-

Matapos ang sukdulang pang-aapi hang­­gang sa muntik nang mapatay, handa na si Yasmien Kurdi na gantihan ang mga umapi sa kanya sa nangunguna at tumitinding drama sa telebisyon, ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

Painit ng painit ang mga eksena dahil matapos makita ng mga manonood ang isang mapagmahal at mapagtiis na asawa, palaban na ngayon at handa nang bumangon si Salve, ang papel na ginagampanan ng drama princess na si Yasmien Kurdi. Handa na si Salve na gumanti sa mga sumalbahe sa kanya maibalik lang ang karangalang nawala sa kanya.

Gaganti na si Salve laban sa bagong mayor ng bayan na si Alfred de Leon (Marvin Agustin), ang tuso at manggagantsong asawa niya. Isasama rin niya sa kanyang pagganti ang bagong kinakasama nito na si Via (Angelika dela Cruz) na apo naman ng gobernador sa kanilang bayan. Si Alfred, na ang tanging habol lang pala kay Salve ay ang mana nitong P10 milyon, ang lalaking nang-api, nanloko, nambugbog, nagtaksil at nagpapatay kay Salve at sa batang nasa sinapupunan nito.

Ngayong kinukupkop at tinutulungan si Salve ng mayamang binata na si Derek Perantes (JC de Vera) bukod pa sa pinag-aral siya ng ina ng binata na si Evita (Dina Bonnevie), mabubuo na nga ba ang matinding plano ng paghihiganti ni Salve para sa kanya at sa nalaglag niyang anak?  Sino ang uunahin niyang durugin, si Alfred o si Via?

Samantala, matagpuan pa kaya ni Evita ang nawawalang anak na si Emma? Ituring kaya ni Salve bilang kanyang ina si Evita? At sa pagkakalapit nila Derek at Salve, umibig pa kaya ang dalaga matapos ang mga naranasan niya kay Alfred?

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng pagganti ni Salve sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng Dyesebel sa Kapuso network.

vuukle comment

BABANGON AKO

DEREK PERANTES

DINA BONNEVIE

DUDURUGIN KITA

EVITA

MARVIN AGUSTIN

SALVE

SI ALFRED

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with