Zaido nahabol ng Kung Fu...
Matindi ang pakiusap ng PSN readers na ilabas ko ang araw-araw na resulta ng TV ratings.
Sino ba naman ako para ipagkait ang inyong wish kaya mag-aala-Vicky Morales ako dahil heto ang ratings noong Huwebes:
GMA 7 ABS-CBN 2
Sis - 11. 4 Boy & Kris 6.1
Takeshi’s Castle- 17.5 Game Ka Na Ba- 13.2
Eat Bulaga- 23.9 Wowowee - 15.0
Daisy Siete - 21.5 Prinsesa ng Banyera - 8.3
Maging Akin Ka Lamang 15.2 Pinoy Movie Hits- 7.9
My Only Love - 14.6
Soon Ae 12.3 Wheel of Fortune- 15.0
Hana Yori Dango - 14.5
24 Oras - 28.0 TV Patrol World - 23.9
Zaido- 27.2 Kung Fu Kids - 28.1
Kamandag - 33.0 Lobo- 27.8
Marimar - 40.2 Palos- 21.7
Coffee Prince - 32.5 Maging Sino Ka Man - 13.7
Magpakailanman- 21.0 Spring Waltz - 10.1
Saksi- 8.7 Bandila- 7.4
An over-all rating:
GMA 7- 18.1 ABS CBN - 11.9
* * *
O ‘yan ang kumpletong listahan ng ratings noong Huwebes. Natalo ng Kung Fu Kids ang Zaido. Ewan ko na lang kapag nagreklamo pa ang iba diyan na may nangyayaring dayaan sa ratings kaya number one ang mga programa ng GMA 7.
Malapit nang mag-goodbye sa TV ang Zaido at ang Joaquin Bordado ang ipapalit sa timeslot. Magkakaalaman sa February 11 kung uubra si Joaquin sa mga Kung Fu Kids.
Eh sa totoo lang, mga tunay na Kung Fu Kids ang nakalaban
* * *
May mga reporter pala na tumatawag kay Alma Concepcion para hingin ang komento niya tungkol sa isyu na kinasasangkutan ng kanyang dating boyfriend na si Dodie Puno.
Tumanggi si
* * *
Nag-win sa Boses ng Masa segment ng Unang Hirit si Marie Grace Cajili na araw-araw na nagbabasa ng PSN. Gustong magpasalamat ni Marie sa nag-assist ng i-claim niya ang kanyang premyo. Thank you Marie sa prayers mo:
“Manay Mabuhay!
Salamat sa prayers mo para sa mga dear readers mo. Alam mo pinagdasal din kita rito sa simbahan ng Antipolo. Bukas, Candelaria, ipagsisindi kita ng isang candle sa likod ng shrine ni Mama Mary. Ipagdadasal ko na magkaayos na kayo nila Piolo and Sam.
Nanalo nga pala ako sa Boses ng Masa sa Unang Hirit. Puwede po kayang iparating mo kay Mr. Wilson Campanero na thank you sa patience niya sa pag-a-assist sa lahat ng winners. More power sa Unang Hirit, sa lahat ng hosts lalo na kay Eagle, Drew and Igan. Ipagsisindi ko rin sila ng candle bukas para tumagal pa sila at marami pa silang matulungan. At makaulit pa din ako ng panalo.”
- Latest






















