^

PSN Showbiz

Daisy Romualdez ayaw nang makasama uli si Danita

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Nakakuwentuhan namin si Mama Daisy Ro­mual­dez nung isang hapon sa lobby ng ABS-CBN, napansin namin na mukhang matahimik na ang kanyang kalooban ngayon tungkol sa paglalayas ni Danita Paner, hindi na siya naliligalig na tulad nung mga nakaraang araw.

“Ako, ginawa ko na ang lahat-lahat, pero nagma­ma­tigas pa rin siya, hanggang dun na lang talaga ako. Ayokong may mangyaring masama sa kanya, pero kailangang may matutuhan siyang leksiyon sa ginawa niya.

“Ayoko nang pasakitin pa ang kalooban ko, nasak­tan na ako, kung para sa kanya, e mali ang patakarang ipinagagawa ko sa kanya, bahala siya sa buhay niya,” madiin pa ring sabi ni Mama Daisy.

Nakakalungkot ang kinauwian ng istoryang ito, nitong mga huling araw na lang namin nalaman na si Danita pala nung sanggol pa ay iniwan lang sa may gate ng bahay ng pamangkin ni Mama Daisy.

Payat ang sanggol, masakitin pa, pero ginawa ni Mama Daisy ang lahat para mabigyan ito ng magan­dang buhay. Halos hindi niya ipinakagat sa lamok si Danita, itinuring na sarili niyang dugo at laman, kaya masamang-masama ang loob niya sa iginanti sa kanya ng dalaga.

“Nung minsang nag-iisa lang ako sa kuwarto ko, umiyak ako nang umiyak, hindi ko kasi akalaing magagawang magmatigas ng ganito sa akin ni Danita. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ko siya minahal nang sobra, kung bakit sinunod ko ang halos lahat ng layaw niya.

“Yun ang iniiyak ko. Nasasaktan ako, para siyang tunay na anak para sa akin, pero hindi niya naman pala ako  itinuring na tunay na nanay niya,” seryosong sabi ng beteranang aktres.

Tumatawag daw ngayon si Danita kay Tito Manny Paner, pero kung si Mama Daisy ang masusunod, ayaw na niyang makasama pa sa isang bubong si Danita.

Palagi raw kasing babalik sa kanyang isip ang mga pinagsasabi nito kama­kailan, na impiyerno ang buhay nito sa kan­ya, saman­talang glorya ang alam niyang ibinigay niya rito.

Gusto niyang mai­pag­kumpara ngayon ni Danita ang buhay sa labas ng kanyang ba­hay at sa pag-aarugang ginagawa niya  rito, gusto niyang mapa­tunayan ni Danita sa kanyang sarili na walang ibang taong makapag­mamahal sa kanya kundi si Mama Daisy lang, dahil ang beteranang aktres ang nagturing na hindi na iba sa kanya.

* * *

Maraming nabubu­wi­sit kay Jen da Silva, ang miyembro ng 26K na kalalabas lang sa Bahay ni Kuya, sumo­sobra na raw ang pagi­ging palengkera ng dala­gang ito, marami nang gustong maipaghi­ganti si Marylaine Viernes, ang kanyang kasamang napalabas sa PBB house.

Sa mga napanood naming panayam ni Jen ay ga­nundin ang impresyong nabuo sa amin, paleng­kera ang babaeng ito, maganda lang siya pero ka­pos siya sa breeding.

Kapag magkatabi sila ni Marylaine ay kitang-kita ang malaki nilang pagkakaiba, kumikilos nang maayos si Marylaine, samantalang barubal naman kung kumilos at magsalita si Jen.

Isa pang ikinaiinis ng marami sa babaeng ito ay ang pagiging feeling maganda at sikat na siya agad, samantalang wala pa nga siyang napatu­tu­nayan kundi ang kumendeng-kendeng at hu­mawak ng maleta sa Deal or No Deal.

Mabuti na lang at edukada si Marylaine, mabuti na lang at mahaba ang pinaghuhugutan ng pasensiya nito, dahil kung iba lang ang natapatan nitong si Jen ay baka dumudugo na ang bibig niya ngayon.

Wala pang puwedeng ipagmalaki si Jen kundi ang malalaki niyang boobs na halos lumuwa na sa kanyang bra, maldita siyang magsasagot, nakaka­awa ang maraming tao kapag nabiyayaan siya ng pagka­ka­taong makilala.

Kung bibilangan namin ang mga negatibong mensaheng tinatanggap namin ngayon araw-araw tungkol kay Jen ay mahihirapan siyang magbasa, isang malaking palatandaan ito na ayaw ng ating lahi sa mga taong maangas, ayaw ng mga Pinoy sa mga taong hindi pa man nasisinagan ng  mga ilaw at camera ay mayabang at feeling na.

vuukle comment

DANITA

LANG

MAMA DAISY

MARYLAINE

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with