^

PSN Showbiz

Billy Crawford, umiyak sa kanyang concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi mapuputol ang friendship nina Rufa Mae Quinto, Candy Pangili­nan, Pokwang at Eu­gene Domingo na na-develop sa shooting ng Apat Dapat Dapat Apat  sa showing nito sa Oct­ober 10. Magsasa­ma-sama rin sila sa remake ng Working Girls na idi­direk din ni Wenn Dera­mas sa Viva Films pa rin.

Sabi ni direk Wenn sa presscon ng Apat Da­pat Dapat Apat, kundi Nov­ember o December, sa January next year niya sisimulan ang shooting ng spoof ng hit movie ni Ishmael Bernal na ang magiging title ay Work­ing Girls ‘08.

Gagawing mas co­medy ng director ang re­make, pero ‘yun pa rin ang eksena. Pagali­ngan na lang sina Rufa Mae, Candy, Pokwang at Eugene sa delivery ng punchline. Balak isama ni direk Wenn sa cast sina K Brosas, Gladys Gue­varra (kaya lang buntis daw), Janelle Jamir at Jaya, kung papayag ito. Bago ang regular show­ing, may celebrity pre­miere ang Apat Dapat... sa Po­dium ma­maya at sa Oct. 9 sa SM Megamall ang pre­miere night.

* * *

Nakakatuwa si Rufa Mae Quinto dahil ipinasa kay Paolo Bediones ang pressure sa pagho-host ng Whammy! Push Your Luck! na magpa-pilot mamaya sa GMA-7 bago ang 24 Oras. Mas career daw ng binata ang game show at siya ay ngayon lang susubok.

“Never in my wildest dream inisip na magho-host ako ng game show. Nag-extra effort ako para magawa ko ito ng tama. Nakipag-bonding ako kay Paolo, sa director at writers at nag-research ako. Nagpraktis din akong magsalita ng mabilis,” tsika ni Rufa Mae.

Gusto lang magpa­saya at magbigay ng kabuhayan sa viewers ang dalawa at hindi sila after  sa title na King and Queen of Game Show.

Sabi ni Paolo: “I don’t know if the title is for grab. Ang importante, meron kang trabaho. Exciting dahil parehong genre ang  Whammy! sa kata­pat naming show. Mag­pa­pagalingan na lang kami at ang viewers ang makikinabang.”

* * *

Masayang aalis bu­kas si Billy Crawford dahil successful ang kanyang  It’s Time con­cert last Saturday. Umi­yak ito sa tuwa nang kan­tahin ang kanyang last song at pati ama ay na­iyak dahil noon lang siya napanood.

Sa concert namin napatunayang mara­ming fans na bata si Billy na sumabay makisayaw. Ang iba’y ginaya ang costume niya at nakiki-sing-along. Mas alam nila ang karamihan sa ki­nanta nito ha!

Enjoy sa panonood si Frank Garcia kaya hindi niya alam, nadikwat na pala ang kanyang cell­phone. Sabi nito, hindi raw bale na nawala ang cellphone niya, basta napanood niya si Billy. Babalik daw ang Fil-Am performer at marami pa itong gaga­win dito.

vuukle comment

APAT DA

APAT DAPAT

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with