^

PSN Showbiz

Ayaw ng mga apo ni Nova na bad siya

-

Gaano katotoo na hindi pala talaga friends ang dalawang komed­yanteng host na sina Ariel at Maverick na nakilala sa ABC 5 at ngayo’y nasa GMA 7 na rin para sa game show nilang SOS (Save o Send) na ma­ka­katapat sa Pilipinas, Game G K N B? ni Edu Manzano.

Tsika sa amin ng  staff ng Siete na hindi nagpapansinan ang dalawa kapag off ca­mera as in dedmahan daw at kapag humarap na sa TV camera ay akala mo super friends sila.

“Nung nag-guest sila sa isang taping ng show namin, sabay silang tinawag sa stage, mag­kahiwalay silang umak­yat at hindi nag­papan­sinan, pero nu’ng sina­bing take na, big­lang nag-change ang mood nila, nag­pansinan na, di ba nakakaloka?

Nakakagulat naman sina Ariel at Maverick dahil paano nila napa­palabas na maganda ang chemistry nila kung hindi pala talaga sila okey?  Ang hirap kayang mag-pretend?

* * *

Naawa ang mga staff ng Super Inggo 1.5 (prequel) kay Ma­kisig Morales dahil lagare ang bagets sa advance taping ng nasabing fantaserye dahil nga paalis na siya sa ka­tapusang ng Ok­tubre para sa shooting naman ng pelikulang London:  Caregiver kasama sina Sharon Cuneta at John Es­trada under Star Cine­ma.

Ayon sa nakatsika naming staff ng Super Inggo 1.5 ay, “Ngarag ang bagets, kapag hindi siya kinukunan, pina­tutulog muna na­min siya at gigisingin na lang kapag kukunan na, wala, e, lupaypay na.”

Bukod kasi sa na­sabing programa ay magtatapos na ang Pedro Penduko at Ang Mga Eng­kantao nila ni Matt Evans ngayon ding Oktubre.

“Tapos may press launch pa siya bago siya lumipad for London, kaya kakaawa, e, wala namang magawa ‘yung bata,” dagdag tsika pa sa amin.

Anyway, gaano katotoo na nag-threaten daw magre-resign sa Super Inggo 1.5 bilang lola ni Makisig/Inggo si Ms. Nova Villa dahil nagagalit daw ang mga apo niya sa kanya dahil ma­sama raw pala siyang lola sa nasabing fantaserye?

“Pinababago ni Ms. Nova ang script, huwag naman daw siyang pasamain sa mata ng mga bata kasi apektado ang mga apo niya, e, kapag hindi raw naayos, hindi niya gagawin ang Super Inggo 1.5,” kuwento sa amin.

* * *

Ngayong gabi sa Nagmamahal Kapamilya mapapanood ang award­ing ng bahay kay G. Arnold Charifa ng Governor Forbes, Sampaloc Manila na ipagkakaloob sa kanya ng Globe Asiatique.

Matatandaang nagkaroon ng text votes ang tatlong pamilyang finalist para sa libreng bahay na ipag­kakaloob ng programa ni Bernadette Sembrano at nagtapos ito last October 1 at nakakuha ng 74% si Arnold na siyang may pinakamataas na boto.

Samantala, mapapanood din ang Nagmamahal Kapamilya bilang isang segment sa Umagang Kay Ganda kung saan isa rin si Berna­dette sa host.– REGGEE BONOAN

vuukle comment

ANG MGA ENG

ARNOLD CHARIFA

BERNADETTE SEMBRANO

NAGMAMAHAL KAPAMILYA

SHY

SUPER INGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with